P716,000 halaga ng shabu, nasabat sa Lapu-Lapu City | Bandera

P716,000 halaga ng shabu, nasabat sa Lapu-Lapu City

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - September 26, 2020 - 08:18 PM

Arestado ang dalawang drug suspect sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Lapu-Lapu City, Cebu Biyernes ng hapon.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency – Central Visayas (PDEA RO7), isinagawa ang operasyon sa bahagi ng Sitio Mustang, Barangay Pusok bandang 4:00 ng hapon.

Naaresto sa operasyon sina Antonjan Madrid Regis, 23-anyos, at Jojie Binondo Regis, 40-anyos.

Sinabi ng PDEA RO7 na dati nang naaresto si Antonjan Regis ngunit nakalaya dahil sa plea bargaining taong 2018.

Nakuha sa dalawa ang 12 pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P716,040.

Nakumpiska rin ng mga awtoridad ang ginamit sa buy-bust na boodle money at iba pang non-drug evidence.

Mahaharap ang mga drug suspect sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending