Aga, Arjo, Ruru, Dennis, Piolo, Vic mag-aagawan sa ‘Best Actor’ ng MMFF 2024
PANGALAN nina Aga Muhlach, Arjo Atayde, Ruru Madrid, Piolo Pascual, Dennis Trillo at Vic Sotto ang naririnig naming maglalaban-laban sa pagka-Best Actor mamaya sa Gabi ng Parangal ng 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ito ay gaganapin sa Solaire Grand Ballroom, Solaire Resort Entertainment City sa Paranaque.
Si Aga sa pelikulang “Uninvited” bilang si Guilly Vega na isang rapist at trip na trip niya ang college students base sa mga nakulekta niyang identification cards na nakatago sa kanyang vault.
Napakasama ng karakter ng aktor sa pelikula na may ganitong role na rin siyang ginampanan noon, ang “Sa Aking Mga Kamay” (1986) pero ibang atake naman ang ipinakita rito ni Aga kaya marami pa ring gustong siya ang manalo ngayong gabi.
Iba rin si Arjo sa “Topakk” dahil bibihira ang nakakaarte sa isang action film at karamihan sa ganitong karakter ay puro aksyon lang na walang puso.
Baka Bet Mo: Vilma, Juday, Aicelle labanan sa Best Actress’ ng MMFF 2024, sino bet niyo?
Nagkaroon ng war shock o post-traumatic stress disorder (PTSD) si Arjo dahil lahat ng kasamahan niyang sundalo ay namatay sa giyera at ang iba ay pinutulan ng ulo bagay na masakit sa kanya.
Kaya paulit-ulit niya itong naalala kapag napapaaway siya o nakakakita ng dugo nang wala na siya sa serbisyo at namasukan na bilang security guard sa isang pabrikang inabandona na kung saan dito nagkaroon ng gulo sa pagitan ng co-actors niya sa pamumuno nina Sid Lucero, Paolo Paraiso, Vince Abrenica, Cholo Barretto, at marami pang iba mula sa direksyon ni Richard Somes for Nathan Studios and Strawdogs Studio Production.
Sa mga pangalang nabanggit ay si Arjo ang underdog for MMFF, pero siya naman ang unang nanalo ng Best Actor sa 3rd Asian Academy Creative Awards for “Bagman” at Asian Academy Creative Awards 2023 for “Cattleya Killer.”
Dennis Trillo at Ruru Madrid ay parehong magaling sa “Greenbones” mula sa GMA Network at Brightburn Entertainment.
Ibang Dennis naman ang mapapanood dito dahil nagpanggap siyang pipi dahil nga ang pamangkin niya ay deaf and mute kaya kailangan nitong aralin ang lengguwahe.
Si Ruru na bagong pasok sa kulungan kung saan nakakulong si Dennis ay minamanmanan ang bawat kilos niya dahil may bubog ito at galit siya sa mamatay tao dahil napatay ang ate niya at hindi pa nahuli.
Inakalang si Dennis ang pumatay sa pamangkin niya kaya siya kinulong at pinag-iinitan hanggang sa loob dahil may patong ang ulo niya.
Si Ruru nagalit kay Dennis at ang naging kakampi niya sa huli nang malaman niya ang totoong nangyari.
Heartwarming ang pelikulang “Greenbones” kaya naluha kami at kaya rin siguro maraming may gustong manalo sina Dennis at Ruru ngayong gabi dahil iba naman ang ipinakita nila sa pelikula na idinirek ni Zig Madamba Dulay.
Sayang at hindi namin napanood pa ang “The Kingdom” kaya wala rin kaming maikukuwento kina Papa P at Bossing Vic, pero base rin sa mga nakapanood na ay ibang Vic Sotto ito dahil nga seryoso.
Samantalang si Piolo naman ay hindi na bago dahil mahusay naman talaga siya sa drama.
Ang pelikula nila ay mula sa direksyon ni Michael Tuviera for APT Entertainment, MZET TV Productions at MQuest Ventures.
Abangan ang awards night maya-maya lamang upang malaman kung sino ang mag-uuwi ng Best Actor trophy!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.