Vilma, Juday, Aicelle labanan sa Best Actress' ng MMFF 2024

Vilma, Juday, Aicelle labanan sa Best Actress’ ng MMFF 2024, sino bet niyo?

Reggee Bonoan - December 27, 2024 - 04:22 PM

Vilma, Juday, Aicelle labanan sa Best Actress' ng MMFF 2024, sino bet niyo?

Vilma Santos, Judy Ann Santos, Aicelle Santos

ILANG oras nalang, malalaman na kung sino sa tatlong aktres na may apelyidong Santos ang magwawagi bilang Best Actress sa gaganaping “Gabi ng Parangal” ng 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Solaire Resort Entertainment City sa Paranaque. 

Kanya-kanyang post ang supporters nina Judy Ann Santos, Aicelle Santos at Vilma Santos kung sino ang gusto nilang manalo at base rin sa napanood nilang performances ng bawat isa.

Ibang Vilma naman ang mapapanood sa “Uninvited” dahil kadalasang role ni Ate Vi ay mabait bilang asawa, ina, kaibigan –depende sa istorya.

Mabait at mapagmahal siyang ina kay Lily (Gabby Padilla) sa nasabing pelikula, pero nang gawan ng masama ang anak ay dito na niya inisip na kailangan niyang bigyan ng hustisya ang pagkamatay nito lalo’t nagpakita ito at nagsabing, “Nay, wag kang magtitira.”

Nauna naming napanood si Ms. Vilma sa karakter na binaboy siya kaya kailangan niyang gumanti sa pelikulang “Tagos ng Dugo” (1987) at pagkalipas ng 37 years ay binalikan niya ang karakter na naghihiganti sa “Uninvited” bilang si Eva Candelaria para sa anak niyang si Lily na binaboy ng karakter ni Aga Muhlach na si Guilly Vega.

Baka Bet Mo: #MMFF2024: Sino kaya ang hahakot ng awards sa ‘Gabi ng Parangal?’

Kimkim ang galit ni Eva, pero nang sumabog ay hindi na napigil lalo na nu’ng si Guilly na ang kaharap kaya nang mabigyan ng pagkakataon ay inubos niya ang lakas niya para mapatay ito.

Ang ganda ng eksena ng tatlong bidang sina Aga, Nadine Lustre at Ms. Vilma bagay na pinalakpakan ng mga taong nakapanood na.

 Kaya naman sobrang proud ang Mentorque producer na si Bryan Diamante sa kinalabasan ng idinirek ni Dan Villegas ng Project8Projects at kasalukuyang humahataw ngayon sa box office.

Napanood din namin ang “Espantaho” at magaling talaga si Juday, lalo na sa confrontation scene nila nina Chanda Romero, legal wife at Lorna Tolentino, kabit at ina ng ng una.

Pinapalayas na ni Chanda sina Judy Ann at anak na nitong si Kit (Kian Co) sa bahay na pag-aari nila ng asawang namayapa pa, pero lumalaban si Lorna bilang ina ni Juday na huwag pumayag dahil may karapatan din sila ng anak niya.

Naiipit si Juday sa dalawa at malumanay niyang kinakausap si Chanda bagay na ayaw ni Lorna kaya nagwawala ito lagi na anak lang niya ang nakakakita nga gusto nitong lumaban ang una.

Mahinahon ang karakter ni Judy Ann sa “Espantaho” pero nu’ng nalaman niyang niloloko siya ng ama ng anak niyang si Jack (JC Santos) ay doon na lumabas ang pangil niya.

Naluha kami sa ending ng pelikula na nagkaayos na sina Chanda at Lorna habang palabas na ng sementeryo ang tatlo ay hindi na sumunod ang huli dahil katwiran niya handa na niyang iwan ang anak dahil may makakasama na ito na ibig sabihin ay tatawid na sa kabilang buhay si LT. 

Magaling si Juday dahil ibang level ng pag-arte na naman ang napanood sa kanya sa MMFF entry na idinirek ni Chito Rono handog ng Quantum Films, Purple Bunny Productions at Cineko Productions.                                                              

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sad to say hindi pa namin napanood ang “Isang Himala” ni Aicelle Santos kaya wala kaming maikukuwento, pero base sa mga nabasa naming reviews at kwento ng mga nakapanood na kasama namin sa hanapbuhay ay nagulat din sila dahil magaling ang singer-actress ng GMA Network.

May nagsabing underdog si Aicelle kina Ate Vi at Juday na parehong malalaking pangalan sa showbiz.   Sabi rin ng karamihan ay back to back si Ate Vi bilang nanalo siya last year sa “When I Met You in Tokyo” at nagdiriwang ngayon ng 50th Year ang MMFF kaya ibibigay ulit sa kanya ang tropeo.   Pagbabalik naman daw ito ni Juday na gumawa ng horror movie sa MMFF pagkalipas ng ilang dekada kaya bilang welcome ay siya ang mananalo.   So mga ka-BANDERA, sino ang napupusuan niyo na talagang deserve na maging Best Actress? Abangan natin ‘yan mamaya!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending