Judy Ann Santos itinanghal na ‘best actress’ sa Portugal film fest

PHOTO: Instagram/@officialjudayph
PINTUNAYAN ni Judy Ann Santos na pang-international ang husay niya sa pag-arte!
Siya kasi ang nakakuha ng “Best Actress” award sa 45th Fantasporto Film Festival sa Porto, Portugal.
Ang recognition sa kanya ay para sa pinagbidahan niyang pelikula na “Espantaho” na ipinalabas din sa Metro Manila Film Festival 2024 noong Disyembre.
Dahil sa nasabing award, si Juday ang ikaapat na Pinoy na kinilala sa nasabing international film festival.
Sa Instagram, mapapanood ang isang video na gulat na gulat siya nang tawagin ang kanyang pangalan sa stage.
Baka Bet Mo: Judy Ann Santos: Hindi ako naniniwala na sikat ako, na reyna ako!
Personal niyang tinanggap ang tropeyo at nagkaroon pa ng acceptance speech.
“[The trophy] is heavy. This has a lot of excess baggage when I get home,” biro ng batikang aktres sa entablado.
Mensahe niya, “I would like to thank the jury of Fantasporto for the recognition. It is with great pride and honor that I represent my country which is the Philippines and share this award with my director Chito Roño, our writer Chris Martinez, and my producer, Atty. Joji [Alonso].”
“And of course my ‘Espantaho’ team, my husband, and three children, they have always been my inspiration,” aniya pa.
View this post on Instagram
Siyempre, proud na proud din ang kanyang mister na si Ryan Agoncillo na kasama rin niya sa nasabing awards night.
Ibinandera niya sa IG ang ilang pictures ni Judy Ann na hawak ang nasabing award at may caption pa siyang, “happy to be here [red heart emoji].”
View this post on Instagram
Magugunita na si Juday ang itinanghal din na Best Actress sa 2024 MMFF dahil din sa nasabing pelikula.
Samantala, ang mga artista na naging winner na sa Portugal-based film festival ay sina Barbie Forteza, Ian Veneracion, at Cristine Reyes dahil sa mahusay nilang pagganap sa mga pelikulang “Laut (2016),” “Ilawod (2018),” at “UnTrue (2020),” respectively.
Para sa kaalaman ng marami ang Fantasporto Film Festival o kilala ring Fantas ay nagsimula noon pang 1981.
Ito ay natagpuan nina Mario Dorminsky, Beatriz Pacheco Pereira, at Jose Manuel Pereira na ang layunin ay mabigyan ng plataporma ang mga pelikulang horror, fantasy, science fiction, auteur, at experimental genres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.