Juday sa ‘priceless’ moments with Gordon Ramsay: ‘Nakakaloka! Totoo ba ‘to?!’
HINDI makapaniwala, pero super happy ang experience!
‘Yan ang naging reaksyon ni Judy Ann Santos matapos sumabak sa mala-Masterchef competition ng world-renowned celebrity chef na si Gordon Ramsay sa naganap na meet-and-greet event sa bansa kamakailan lang.
“Nakakaloka mars! Parang totoo ba ‘to? Iba ‘yung kabog ng dibdib ko…Parang hindi ako ready,” pag-amin ni Juday sa naging interview with ABS-CBN News.
Ayon pa sa batikang aktres, matinding nerbyos at kaba ang pakiramdam kapag sumali sa cooking competition ni Gordon.
“Naramdaman ko ngayon. Na-achieve ko ngayon ‘yung pakiramdam na parang akong mahihilo, mahihimatay,” sey niya.
Baka Bet Mo: Lumpia Queen nakaharap na finally si Gordon Ramsay: Challenge accepted!
Aniya pa, “Naghahanap ako ng pader kung saan ako pwedeng sumandal. Pero I think those are the literally priceless moments talaga na I’m so happy.”
Nang tanungin kung talaga bang nakaka-intimidate ‘yung presence ng sikat na international chef, kagaya ng mga napapanood natin sa telebisyon.
Angs sagot ni Juday, “Probably nakaka-intimidate for the simple reason na of course he is Gordon Ramsay, plus the fact na napapanood mo siya, and alam mong world-renowned chef siya.”
“It’s a friendly competition naman…but alam mo ‘yung may bini-beat kang time and you have to present it to Chef Gordon and you hope mo lang na sana magustuhan niya,” patuloy niya.
Sa nabanggit na friendly competition, kanya-kanyang take ang mga lumahok sa sarili nilang bersyon ng Halo-Halo.
Sinabi ni Judy Ann na ang secret ingredient na nilagay niya ay black sesame polvoron.
“‘Yun ‘Yung ginawa kong secret ingredient para may mix of savory and sweetness, plus you’re showcasing the local delicacy natin na snack na polvoron,” paliwanag niya.
Dagdag pa ng celebrity mom, “Medyo modern lang ‘yung take sa pagka-polvoron niya. Tsaka gusto ko lang i-level up ‘yung experience sa halo-halo na nakasanayan natin na marami tayong mga sweet fruits.”
Para sa mga hindi aware, si Gordon ay ang sikat na chef na nagmamay-ari ng ilang Michelin-starred restaurants kabilang na ang Restaurant Gordon Ramsay sa United Kingdom at ang Le Pressoir d’Argent sa Bordeaux.
Bukod diyan ay may restaurant din siya sa Singapore, UAE, Japan, at siyempre, dito sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.