Judy Ann Santos: Hindi ako naniniwala na sikat ako, na reyna ako

Judy Ann Santos: Hindi ako naniniwala na sikat ako, na reyna ako!

Ervin Santiago - December 30, 2024 - 07:00 AM

Judy Ann Santos: Hindi ako naniniwala na sikat ako, na reyna ako!

Judy Ann Santos

NEVER pumasok sa isip ng Queen of Soap Opera na si Judy Ann Santos na sikat na sikat na siya at isa nang superstar.

Sa kabila ng tinatamasa niyang kasikatan, kahit na noong kasagsagan ng kanyang pagiging Young Superstar ng Philippine showbiz, nananatiling humble at low key si Juday.

Alam naman ng lahat na bata pa lang ay marami nang napatunayan ang wifey ni Ryan Agoncillo — mula sa pagiging best actress, TV host, endorser, content creator at successful businesswoman. Isa na nga siyang certified icon.

“Sobra akong grateful. Sobra kong na-appreciate lahat ng mayroon ako ngayon. Kung hindi naman dahil sa popularity, diyan papasok ang endorsements and all, diyan ka makakaipon.

Baka Bet Mo: Juday titigil muna sa pag-arte: ‘Hinihingi na ng katawang-lupa ko ang magpahinga, ramdam ko na ‘yung tanda ko’

“Pero sa ugali, hindi ako naniniwala na sikat ako. Hindi ako naniniwala na reyna ako. May doubts pa rin ako sa sarili ko and I think that’s a good thing. Naniniwala akong tao ako na nagtratrabaho lang din ako,” ang pahayag ng lead star ng MMFF 2024 entry na “Espantaho.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Tungkol naman sa iba’t ibang titulo na ikinakabit sa kanyang pangalan kabilang na ang pagiging “icon”, “Mukha naman akong tanga kung sasabihin kong hindi ako flattered.

“I want to think that it’s really positive na masabihan ka nang ganoon. Maaaring tumatak na ‘yung mga work mo sa kanila.

“For them to consider you as such as that, of course, I’m flattered. Gusto ko lang maging klaro na hindi ako ang nagbansag niyan sa akin. I appreciate it. Ayaw ko lang siyang itatak,” aniya pa.

Dagdag pa niya, “Feeling ko, hindi ako nabago ng fame for the simple reason na hindi ko naman alam na naging famous ako. Hindi ko naikabit sa utak ko na sikat na sikat ako hanggang ngayon.

“Hindi ko kahit kailan na sinabi ko sa sarili ko na, ‘Oh my God! Ayaw kong bumaba rito. Sobrang sikat ako baka pagkaguluhan ako.’ Hindi ko lang siya naramdaman. Nagtatrabaho ka lang. Kapag ang nasa utak mo ay nagtatrabaho ka lang, ‘yung fame ay bonus na lang.”

“Malakas makahunyango ang fame. Mababago at mababago ka. Kapag nalunod ka sa isang basong tubig and at the same time naunang malunod ang mga tao sa paligid mo kaysa sa ’yo, isasama ka nila or tatabunan ka nila.”

“You have to know your core. You have to know your foundation. You have to know kung ano talaga ‘yung values na gusto mo.

“Kung alam mo naman ‘yung pinanggalingan mo, kahit anong fame ang marating mo, hindi ka mababago niyan,” aniya pa.

Sinabi rin ni Judy Ann na napakalaki ng utang na loob niya sa classic hit teleserye nila ni Gladys Reyes na “Mara Clara” na nagbukas ng napakaraming opportunities sa kanyang career.

“Nakakatuwang isipin na ganito pala kalawak ang gagawing legacy ni direk Emil Cruz (direktor ng Mara Clara). Utak at puso talaga ni direk Emil ‘yan from the theme song to the script to cast.

“Napakasuwerte namin ni Gladys na kami ang napili niya to do those main roles. It is all because of ‘Mara Clara.’ Totoo ‘yan. Kung hindi kami naging Mara Clara ni Gladys, maaaring hindi namin narating ‘tong lugar na ito,” aniya.

Samantala, naparami ring natutunan ni Juday bilang isa sa mga producer ng MMFF 2024 entry nilang “Espantaho” na idinirek ni Chito Roño. Nakipag-co-produce ang kanyang Purple Bunny Productions sa Quantum Films.

“Worth it naman siyang sugalan. Hindi naman laging mangyayari na may pelikula kami ni direk Chito Roño. Plus, horror at MMFF pa. As an actor and as a co-producer, gusto naman nating kumita ‘yung pelikula at mapansin. Everybody did their best dito,” sabi ni Juday.

Hindi naman itinanggi ng aktres na isa siyang perfectionist pagdating sa trabaho, “Hindi talaga ako nakakampante sa bawat pelikulang ginagawa ko. Hindi lang siguro ako bilib sa sarili ko ‘pag dating sa trabaho ko.

“I think it’s a good thing kasi hindi ka kumakampante sa sarili mong trabaho kumbaga parati kang on your toes,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na ngayon ang “Espantaho” sa lahat ng sinehan nationwide. Kasama rin dito sina Lorna Tolentino, Chanda Romero, Janice de Belen, JC Santos, Mon Confiado, Nico Antonio, Donna Cariaga, Kian Ko, Archi Adamos with Eugene Domingo at Tommy Abuel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending