Juday titigil muna sa pag-arte: 'Hinihingi na ng katawang-lupa ko ang magpahinga, ramdam ko na 'yung tanda ko' | Bandera

Juday titigil muna sa pag-arte: ‘Hinihingi na ng katawang-lupa ko ang magpahinga, ramdam ko na ‘yung tanda ko’

Ervin Santiago |February 13,2023
facebook
share this

Juday titigil muna sa pag-arte: ‘Hinihingi na ng katawang-lupa ko ang magpahinga, ramdam ko na ‘yung tanda ko’

Ervin Santiago - February 13, 2023 - 06:47 AM

Juday titigil muna sa pag-arte: 'Hinihingi na ng katawang-lupa ko ang magpahinga, ramdam ko na 'yung tanda ko'

Judy Ann Santos

MULA nang magkaroon ng sariling pamilya at maging hands-on sa mga negosyo nila ni Ryan Agoncillo, naging choosy na rin si Judy Ann Santos sa pagpili ng acting projects.

Aminado si Juday na may mga mahahalagang bagay na siyang isinasaalang-alang ngayon kapag may mga natatanggap siyang offer tulad na lang ng mga pelikulang iniaalok sa kanya.

Sa naganap na media conference para sa upcoming horror movie niyang “The Diary of Mrs. Winters” kung sa muli niyang makakasama si Sam Milby after 10 years, nagbigay si Judy Ann ng ilang dahilan para mag-yes siya sa isang movie o TV series.

“Tatanggap ako ng project kung kaya kong i-deliver. In all honesty, ‘yung mga projects naman na ino-offer sa akin ng ABS-CBN are very beautiful, sobrang ganda. Pero hindi ko tatanggapin kung alam ko na hindi ko mabibigyan ng justification ‘yung character,” paliwanag ng premyadong aktres.

Judy Ann Santos tigil muna sa cooking vlogs dahil sa pagtaas ng bilihin: Ayokong hindi maka-relate ‘yung viewers

Pagpapatuloy pa ni Juday, “I don’t want to be unfair to my producers, to my co-actors, and to my directors. And to me, that is being professional.

“Yung tanggapin mo sa sarili mo na hindi ko kayang i-deliver ito, i-let go natin at ibigay natin sa mas tamang aktor. Mas tamang ugali ‘yon kaysa sa tanggap ka lang nang tanggap para kumubra ka lang nang kumubra,” katwiran pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday)


Top priority pa rin ng aktres ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang mga anak, “Para sa akin ngayon, ang pagtanggap ko ng project, it should be something that I really like to do, something that would challenge me. Dapat worth it siya.

“Maaaring medyo mayabang pakinggan para sa iba ‘yung salitang, ‘dapat worth it, ‘yung mawala ako sa tabi ng mga anak ko.’

“Pero ‘yun ‘yung realidad ko kasi,” she continued. “Maaaring hindi ‘yun ang realidad ng ibang tao, pero wala naman akong paki sa realidad nila.

Juday nagsalita na tungkol sa naging tunay na relasyon nila ni Rico Yan: Bargas na tao rin at napakatotoo

“Ang pakialam ko lang naman  eh siyempre, ayaw kong may ma-miss akong milestones ng mga anak ko kasi hindi mo naman mauulit yon,” mariin pa niyang sabi.

Naniniwala ang Soap Opera Queen na worth it ang dalawang malalaking proyektong tinanggap niya ngayon, ito ngang “The Diary of Mrs. Winters” at ang TV series na gagawin niya outside ABS-CBN at ididirek ni Erik Matti.

“With these two projects that I’m currently doing and will do this year, I think that’s enough for me not to make any projects again for the next two years when it comes to acting. Parang seal the deal ako sa dalawang proyektong tinanggap ko, alam kong tama ang desisyon ko.

“Pero siyempre hindi pa rin naman ako nagsasalita ng tapos. May mga darating at darating pa rin naman na mga projects na pwedeng oohan ko.

“Pero panigurado after ng project na ito at after nitong series na ginagawa ko, parang hinihingi na ng katawang-lupa ko ang magpahinga. Ramdam ko ‘yung tanda ko, hindi ko na kaya ang puyat. Nagkakasakit na ako,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Juday ipinagdasal ang pagdating ni Ryan: Ito pala ‘yung feeling na niyayaya kang mag-date, dinadalaw ka sa set

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending