Judy Ann Santos tigil muna sa cooking vlogs dahil sa pagtaas ng bilihin: Ayokong hindi maka-relate ‘yung viewers | Bandera

Judy Ann Santos tigil muna sa cooking vlogs dahil sa pagtaas ng bilihin: Ayokong hindi maka-relate ‘yung viewers

Therese Arceo |July 08,2022
facebook
share this

Judy Ann Santos tigil muna sa cooking vlogs dahil sa pagtaas ng bilihin: Ayokong hindi maka-relate ‘yung viewers

Therese Arceo - July 08, 2022 - 09:59 AM

Judy Ann Santos tigil muna sa pagba-vlog dahil sa pagtaas ng bilihin: Ayokong hindi maka-relate ‘yung viewers

INAMIN ng Kapamilya actress na si Judy Ann Santos ang naging dahilan kung bakit matagal nang walang upload ang kanyang YouTube channel.

Sa isang episode ng “Magandang Buhay” kung saan isa siya sa mga kasalukuyang host, itinanong sa kanya ni Melai Cantiveros ang matagal nang tanong ng madlang pipol kung bakit hindi na siya naglalabas ng kanyang mga coking videos at kung may kinalaman ba rito ang kanyang hectic schedule.

Hindi naman sobrang busy. Ang hirap kasing mag-isip ng mga episodes especially kung ang pagtaas ng presyo ng bilihin ay napakalala. Ayokong hindi maka-relate ‘yung viewers sa kung anumang lutuin ang gagawin ko kasi parang napaka-unfair naman,” sagot ni Judy Ann.

Kung bibisitahin ang kanyang YouTube channel, makikitang ang huli niyang upload ng kanyang cooking video episode ay noon pang January.

Aniya, hindi naman siya titigil sa paggawa ng cooking videos pero tuma-timing lang rin siya kung kailan siya maaaring bumalik.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday)

“Ayoko lang na parang masabihan ako na, ‘luto ka nang luto, ‘di naman namin magagawa ‘yan.’ Hindi naman ako pumapatol pero after lang din ako doon sa reality ba,” dagdag pa ni Judy Ann.

Pagkukwento pa niya, hindi raw niya itinuturing na trabaho ang paggawa ng videos sa “Judy Ann’s Kitchen” bagkus ginagawa niya ito

“Gumagawa ako ng episode ng Judy Ann’s Kitchen kapag nabuo ko ‘yung sarili ko. ‘Yung gusto ko siya, inspired ako.

“Kasi outlet ko yung Judy Ann’s Kitchen, ayoko siyang tratuhing trabaho. Kapag trinato ko siya bilang tranaho, mawawala na yung [pagiging] genuine at authenticity [ng videos],” sey ni Juday.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Juday sa pagiging host ng ‘Magandang Buhay’: Nakakaloka! Kinakabahan ako, ano ba yan?!

Judy Ann magbabalik telebisyon na, papalitan si Regine sa ‘Magandang Buhay’

Birthday message ni Juday kay Ryan: My life, my heart, my soul…I love you forever

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending