Judy Ann magbabalik telebisyon na, papalitan si Regine sa 'Magandang Buhay' | Bandera

Judy Ann magbabalik telebisyon na, papalitan si Regine sa ‘Magandang Buhay’

Therese Arceo |June 10,2022
facebook
share this

Judy Ann magbabalik telebisyon na, papalitan si Regine sa ‘Magandang Buhay’

Therese Arceo - June 10, 2022 - 02:24 PM

Judy Ann magbabalik telebisyon na, papalitan si Regine sa 'Magandang Buhay'

MULI nang mapapanood sa telebisyon ang TV host-actress na si Judy Ann Santos dahil magiging parte ito ng morning show na “Magandang Buhay”.

Magiging “guest host” ang celebrity mom sa naturang Kapamilya show at pansamantalang papalitan ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

May paparating kasing “Iconic” concert si Ate Reg kung saan makakasama niya ang Megastar na si Sharon Cuneta sa June 17, 2022.

Bukod sa kanyang magiging paghahanda para sa nakatakdang concert ay magiging abala rin ito sa kanyang pagiging hurado sa “Idol Philippines” season 2.

Wala pa namang anunsyo kung kailan nga ba magsisimulang maging parte ng “Magandang Buhay” si Judy Ann at tanging teaser pa lamang ang inilalabas ng programa sa kanilang Instagram account.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Magandang Buhay (@_magandangbuhay)

 

Samantala, huli namang napanood si Juday sa kanyang docu-drama na “Paano Kita Mapasasalamatan” na nagtapos noong Hunyo ng nakaraang taon.

Matapos nito ay nagdesisyon muna ang Queen of Soap Opera na magpahinga muna sa paggawa ng TV projects.

Matatandaan na naging vocal rin si Judy Ann na iniiwasan niyang tumanggap ng mga proyekto dahil na rin sa COVID-19 pandemic para na rin sa seguridad ng kanyang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday)

Related Chika:
Judy Ann masaya sa COVID-19 vaccine experience ng mga anak: All in kami!

Juday ipinagdasal ang pagdating ni Ryan: Ito pala ‘yung feeling na niyayaya kang mag-date, dinadalaw ka sa set

Birthday message ni Juday kay Ryan: My life, my heart, my soul…I love you forever

Angel, Judy Ann, Sofia nakatanggap ng regalo mula kay Marian: Maraming salamat ganda!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending