Birthday message ni Juday kay Ryan: My life, my heart, my soul...I love you forever | Bandera

Birthday message ni Juday kay Ryan: My life, my heart, my soul…I love you forever

Ervin Santiago |April 10,2022
facebook
share this

Birthday message ni Juday kay Ryan: My life, my heart, my soul…I love you forever

Ervin Santiago - April 10, 2022 - 02:26 PM

Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos

“MY life, my heart, my soul.”

Ganyan inilarawan ni Judy Ann Santos ang kanyang asawang si Ryan Agoncillo kasabay ng birthday celebration nito ngayong araw, April 10.

Sa pamamagitan ng Instagram, binati ni Juday si Ryan sa ika-43 kaarawan nito kalakip ang ilang litrato ng TV host-actor kasama ang kanilang mga anak.

Aniya sa caption, “My life, my heart, my soul, a wonderful father to our (three) beautiful, amazing children. You are and will always continue to be God’s biggest blessing.

“I love you forever,” ang mensahe ng Kapamilya actress kay Ryan.

Sa Instagram stories naman niya, nag-share rin si Judy Ann ng mga video nila ni Ryan kung saan mapapanood ang paglalambingan nila tuwing umaga.

Ngayong April din magse-celebrate ng kanilang 13th wedding anniversary ang celebrity couple. Ikinasal sila noong 2009 at biniyayaan ng tatlong anak — sina Yohan, Lucho at Luna.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday)


* * *

May kakilala rin ba kayong halos wala nang mapaglagyan ng tattoo at piercing sa katawan?

Sa episode ng “The Best Ka!” ngayong Linggo, makikilala na ang mga indibidwal na sobrang kinahiligan ang paglalagay ng kakaibang mga palamuti sa kanilang mga katawan.

Samahan si Mikael Daez at ang pinakabagong “ka-best” na si Rhian Ramos na kilalanin ang mga taong record holders na mayroong sandamakmak na tattoo sa kanilang katawan.

Kung inaakala n’yong para lamang sa bagets ang tattoo, nagkakamali kayo. Dahil ipakikilala nila Mikael at Rhian ang couple na ang bonding ay ang pagpapa-tattoo.

Bukod pa rito, mapapanood din natin ang ilang matatapang na mga indibidwal na tila nakahiligan na ang body piercing.

Mga best, kung may kakilala o kaibigan kayong ganito rin ang mga trip, yayain niyo sila at abangan ang exciting na episode na ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabay-sabay na mamangha sa mga kakaibang kuwentong hatid ng “The Best Ka!” ngayong Linggo, 3:50 p.m. sa GMA 7.

Juday dumiskarte para walang matanggal na empleyado: OK lang kahit walang kitain…

Judy Ann masaya sa COVID-19 vaccine experience ng mga anak: All in kami!

Juday ipinagdasal ang pagdating ni Ryan: Ito pala ‘yung feeling na niyayaya kang mag-date, dinadalaw ka sa set

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending