Angel, Judy Ann, Sofia nakatanggap ng regalo mula kay Marian: Maraming salamat ganda!
Judy Ann Santos, Angel Locsin at Marian Rivera
PINATUNAYAN ng Kapuso Primetime Queen na si Maria Rivera ang pagiging sweet at thoughtful na kaibigan sa kanyang mga celebrity BFF.
Tatlo sa mga taong malalapit sa buhay niya ang nakatanggap kamakailan ng “regalo” kalakip ang inspiring message na mula sa kanyang puso.
Siyempre, feeling thankful and grateful sa kanyang bonggang friendship gesture sina Judy Ann Santos, Angel Locsin at Sofia Andres.
Sa kanyang Instagram page, ibinandera ni Angel ang bouquet of flowers na ipinadala sa kanya ng misis ni Dingdong Dantes na galing sa online flower shop at homeware business nito, ang Flora Vida.
“@marianrivera doing queenly things,” ang sabi ni Angel sa caption ng ipinost niya sa IG na sinagot ni Marian ng, “Basta ikaw.”
View this post on Instagram
Ibinahagi naman ni Judy Ann sa IG Story niya ang gift ni Marian na may caption na, “Maraming salamat ganda!”
Ito naman ang mensaheng ipinost ni Sofia Andres nang matanggap ang regalo mula sa Kapuso TV host-actress, “In love with my new pillow case. Thank you to the most beautiful @marianrivera.”
View this post on Instagram
Kamakailan, sinabi ni Marian na handa na siyang sumabak sa mga in-person taping matapos ang halos dalawang taong pagwo-work-from-home.
Sa katunayan kasado na ang bago niyang acting project sa GMA at very soon ay posibleng magsimula na ang kanilang lock-in taping.
“Tapos na ‘yung script niya. We’re finalizing the cast, and the date. Then, script reading na kami. Then after the reading, ready to roll,” chika pa ni Marian.
https://bandera.inquirer.net/299947/marian-lalong-na-miss-ang-anak-nang-makita-ang-baby-ni-sofia-andres
https://bandera.inquirer.net/286767/sofia-mas-naging-better-person-mula-nang-maging-nanay-juday-echo-eeksena-sa-gma
https://bandera.inquirer.net/305730/juday-ipinagdasal-ang-pagdating-ni-ryan-ito-pala-yung-feeling-na-niyayaya-kang-mag-date-dinadalaw-ka-sa-set
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.