Judy Ann masaya sa COVID-19 vaccine experience ng mga anak: All in kami! | Bandera

Judy Ann masaya sa COVID-19 vaccine experience ng mga anak: All in kami!

Therese Arceo - February 08, 2022 - 06:03 PM

Judy Ann masaya sa COVID-19 vaccine experience ng mga anak: All in kami!

IBINAHAGI ng mag-asawang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang naging COVID-19 vaccine experience ng kanilang mga anak na sina Luna at Lucho.

Sa kanilang Instagram account at pinost nila ang mga larawan na kuha noong magpa-first dose vaccine kontra COVID-19 ang mga anak.

“Finally!! Our little ones got their first dose of pfizer vaccine today! The waiting time is very forgivable bilang drive thru vaccine, the kids are not exposed to a lot of people,” saad ni Judy Ann.

Naaliw rin ang aktres dahil talagang nag-effort ang lahat ng bumubuo sa nangyaring vaccination drive for kids.

“There are cocomelon mascots, anna and elsa, cheering the kids during the jab. Kaya nagpa booster shot na rin ako! May libre pang balloons! Hats off to all the frontliners for doing this,” dagdag pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday)

Nilinaw naman ni Judy Ann na bagamat hinihikayat nila na magpabakuna ang lahat para sa dagdag proteksyom laban sa nakahahawang sakit, nirerespeto pa rin nilang mag-asawa ang desisyon ng ilang mga magulang na ayaw pabakunahan ang kanilang mga anak.

“Just wanted to share to everyone pur experience this morning, when we had our little ones vaccinated.

“We respect every parents opinion. We all want what’s best for pur children, lalo na sa pinagdadaanan nating lahat ngayon. We did our research and we trust our family doctor,” pagpapaliwanag ni Juday.

Aniya, kung ito raw ay isa sa mga hakbang para maprotektahan ang mga anak at kahit papano’y mabuhay nang “normal’ ay gagawin nila ito.

“If this is the first step to give our kids a little bit of normalcy (while still doing the proper safety protocols, even after they get the 2nd dose) and just to be sure na may panlaban ang mga anak namin sa COVID, all in kami,”

Nitong February 7, simulan na ng pamahalaan ang vaccination drive para sa mga bata edad 5 hanggang 11.

Tinatalang 7,416 na mga bata ang nakatanggap ng kanilang first dose sa unang araw ng paglulunsad ng vaccination drive.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Juday dumiskarte para walang matanggal na empleyado: OK lang kahit walang kitain…
Judy Ann emosyonal sa b-day message para kay Yohan

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending