Judy Ann emosyonal sa b-day message para kay Yohan | Bandera

Judy Ann emosyonal sa b-day message para kay Yohan

Therese Arceo |November 09,2021
facebook
share this

Judy Ann emosyonal sa b-day message para kay Yohan

Therese Arceo - November 09, 2021 - 08:59 PM

Judy Ann emosyonal sa b-day message para kay Yohan

EMOSYONAL ang aktres na si Judy Ann Santos-Agoncillo nang batiin niya ang kanilang panganay ni Ryan Agoncillo na si Yohan na nag-celebrate ng kaniyang ika-17th birthday.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi nito ang larawan nila ni Yohan at ang mensahe nito para sa kanilang dalaga ni Ryan.

“17!!??? What???? No!!!! Oh my sweet baby love… my answered prayer, my twin in so many ways ( kahit ako nagugulat) it’s amazing how we saw you grow up and mature right before our very eyes..” umpisa ni Judy Ann.

“you’re doing great my love… life can be tough and unforgiving.. but, dont you worry my dear love.. mommy and daddy will be behind you all the way.. ( hanggang manabang ka! 😝) we love you so much sweetheart.. happy birthdAy our forever baby girl,” dagdag pa Judy Ann.

Nagbiro rin ito sa dulo at sinabing pabaliktad na ang kanilang pagbilang sa edad ni Yohan sa susunod na taon.

“P.s. next year.. pabaliktad na bilang natin ng edad mo ah!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday)

Si Yohan ay ang panganay na anak nina Judy Ann at Ryan. In-adopt si Yohan ni Judy Ann noong 26 pa lang ang aktres at hindi pa ikinakasal kay Ryan.

Nang ikasal naman sila ni Ryan noong 2009, legal na in-adopt rin niya si Yohan at ito na ang nagsilbing panganay nilang mag-asawa.

Matatandaang sa isang interview ay isiniwalat ni Judy Ann na isa si Yohan sa kanyang mga answered prayer.

“I prayed for her. I asked the Lord in every single prayer, parati ako nagpupunta sa adoration chapel noong dalaga ako na, ‘Lord, sana kapag 26 na ako, magkaroon ako ng anak na babae.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I don’t know kung bakit ang specific nung edad. Hindi ko alam kung saan nanggaling, but at 26, I got Yohan. It changed my whole being,” ani Judy Ann.

Bukod kay Yohan ay may dalawa pang nakababatang anak sina Judy Ann at Ryan. Ito ay sina Lucio (10 years old), at Luna (5 yrs. old).

Related Chika:
Juday dumiskarte para walang matanggal na empleyado: OK lang kahit walang kitain…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending