Juday dumiskarte para walang matanggal na empleyado: OK lang kahit walang kitain... | Bandera

Juday dumiskarte para walang matanggal na empleyado: OK lang kahit walang kitain…

Ervin Santiago - May 30, 2021 - 12:45 PM

TALAGANG naghanap ng paraan at solusyon ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo para masigurong walang matatanggal na empleyado sa kanilang mga food business.

Alam ng celebrity couple kung gaano kahirap ang buhay ngayong panahon ng pandemya kaya isa sa mga siniguro nina Juday at Ryan ay ang magpatuloy ang mga naipundar nilang mga negosyo sa kabila ng health crisis para sa mga taong umaasa sa kanila.

Ayon sa tinaguriang Soap Opera Queen, nang magsimula ang lockdown dulot ng COVID-19 pandemic ay naapektuhan din nang bonggang-bongga ang pag-aari nilang restaurant, ang Angrydobo pati na rin ang franchise nila ng isang burger brand at pizza parlor.

Kaya naman nag-isip agad silang mag-asawa ng iba pang pwedeng pagkakitaan na may konek din sa pagbebenta ng pagkain.

At in fairness naman kina Ryan at Juday, naging successful naman ang sinimulan nilang food business online at sa katunayan patok na patok ngayon sa kanilang customers ang ginagawa niyang chicken galantina.

“Ni-launch lang namin yan two weeks ago. We started selling special items ng Angrydobo on Sunday Market Live nung January. It was Ryan’s idea actually.

“He had this segment in Eat Bulaga na Bawal Judgmental and yung mga contestants nag-se-sell sa Facebook Live ng mga apparels, ganyan.

“Kasi pag nasa food business ka sa gitna ng pandemya, ayaw mo madagdagan yung mga taong walang trabaho.

“So basically, we thought let’s keep on going hanggang mahanap natin yung sweet spot as long as may ipapa-suweldo tayo at may pambayad ng monthly bills,” kuwento ni Juday sa online chikahan nila ng TV and movie writer na si G3 San Diego.

Patuloy pang chika ng Kapamilya actress, “Kung ano yung kikitain natin kahit maliit okay na din. Kung walang kikitain okay lang din basta wala tayong empleyadong tatanggalin or whatever kasi ang hirap na ng buhay as it is. So that’s what happened.”

Samantala, suportado rin nina Juday at Ryan ang maliliit at mga bagong  negosyong nagbubukas ngayong panahon ng pandemya sa pamamagitan ng pagbili rin ng pagkain sa mga online sellers.

“Nagte-takeout din naman kami at umo-order din naman kami sa Instagram sellers ng mga food kasi natutuwa ako na ang daming nag-evolve dito sa pandemya. So, support the small businesses,” sey ng aktres.

Saludo rin siya sa lahat ng Pinoy na patuloy na nagpapakahirap, dumidiskarte at lumalaban nang patas sa buhay sa kabila ng dinaranas na health crisis.

“I’m just so grateful and thankful na bilang Pilipino, maabilidad kasi tayo. Naniniwala ako diyan. Gagawa at gagawa tayo ng paraan para mabuhay, para makapagpatawa, kasi ‘yung lungkot mo dadaanin mo na lang sa gagawa ka ng outlet mo para ilabas mo ‘yun,” pahayag ni Judy Ann.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ako kasi, gindi ko dinidibdib masyado ang mga bagay-bagay. Wala na tayong magagawa. Si Lord na ang gumawa nito. Alangan namang kuwestiyunin natin si Lord di ba? May ibig sabihin ito. Hanapan na lang natin ito ng sagot,” paliwanag pa ng wais at madiskarteng misis ni Ryan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending