Juday ipinagdasal ang pagdating ni Ryan: Ito pala 'yung feeling na niyayaya kang mag-date, dinadalaw ka sa set | Bandera

Juday ipinagdasal ang pagdating ni Ryan: Ito pala ‘yung feeling na niyayaya kang mag-date, dinadalaw ka sa set

Ervin Santiago |February 16,2022
facebook
share this

Juday ipinagdasal ang pagdating ni Ryan: Ito pala ‘yung feeling na niyayaya kang mag-date, dinadalaw ka sa set

Ervin Santiago - February 16, 2022 - 07:04 AM

Ryan Agoncillo, Judy Ann Santos, Yohan, Lucho at Luna

ANG buhay niya ngayon bilang misis at nanay kasama ang asawang si Ryan Agoncillo pati na ang kanilang mga anak ang talagang pinangarap ni Judy Ann Santos.

Ayon sa tinaguriang Kapamilya Soap Opera Queen, ang pagdating ni Ryan sa buhay niya ang isa sa katuparan ng matagal na niyang ipinagdarasal.

Mahigit 12 years nang nagsasama bilang married couple sina Juday at Ryan at biniyayaan nga ng tatlong anak. Itinuturing silang modelo at inspirasyon ng iba pang magdyowa in and out of showbiz.
Ayon sa TV host-actress, maiko-consider niyang unang seryosong relasyon ang pagmamahalan nila ni Ryan.

“Parang feeling ko my relationship with Ryan is technically my first serious relationship ever in my whole life.

“Ito pala ‘yung feeling na ‘yun niyayaya ka mag-date, dinadalaw ka sa set, kinakamusta ka, ito pala siya,” kuwento ni Juday sa panayam ni Karen Davila na mapapanood sa kanyang YouTube channel.

“Parang naging sobrang komportable ako sa kanya na I don’t care kung anong judgment ng tao sa amin.

“I wanna be with him always, parang mas kaya kong tumanggi ng project kasi hindi ako komportable,” dagdag pang chika ni Judy Ann.

View this post on Instagram

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday)


Inamin din ng actress-TV host na parang may kulang talaga sa buhay niya noon hanggang sa makilala at maging boyfriend na nga niya ang isa sa mga host ng “Eat Bulaga”.

“I prayed for a partner who would show me what life is and then when Ryan came along, I saw na this is the life that I’m missing, this is the life that I want simple lang naman akong paligayahin e,” lahad ni Juday.

Sa isang panayam sinabi naman ni Ryan na sa loob ng 12 taon natutunan na nila ni Juday kung paano mas mapapatatag at mas mapapainit ang kanilang pagsasama sa gitna ng mga hindi makokontrol na pagsubok at problema.

“It’s hard for us to function na hindi kami couple,” sabi ni Ryan kung saan ipinagdiinan din niyang communication pa rin ang isa sa pinakamahalagang factor sa isang relasyon.

Sa isang Instagram post, inialay pa ng TV host ang kanta ng Dave Matthews Band na “Where Are You Going?”

“Verified I am no Superman
“I have no answers for you
“I’m no hero, oh that’s for sure
“But I do know one thing,
“That’s where you are, is where I belong,
“Where you go, is where I want to be,” ang ilan sa lyrics ng nasabing kanta.

Ikinasal sina Ryan at Judy Ann noong 2009 at ngayon nga ay mga proud parents na kina Johanna Louis o Yohan, Juan Luis o Lucho, at Juana Luisa o Luna.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/305154/judy-ann-masaya-sa-covid-19-vaccine-experience-ng-mga-anak-all-in-kamihttps://bandera.inquirer.net/295043/bakit-hindi-natatanggap-noon-sa-mga-tv-commercial-si-ryan-agoncillo

Judy Ann emosyonal sa b-day message para kay Yohan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending