Kathryn kumasa sa paglafang ng 12 grapes sa 2025, gusto nang magdyowa uli?
MUKHANG ready na nga ang Kapamilya actress at Box-office superstar na si Kathryn Bernardo na magka-lovelife ngayong 2025.
Kumasa kasi ang “Hello, Love, Again” star sa “12 grapes under the table” trend na patok na patok sa mga Pinoy sa pagpasok ng Bagong Taon.
Sa naturang trend sa social media, pinaniniwalaang kapag kumain daw ng 12 ubas sa ilalim ng lamesa ang isang taong walang dyowa ay maaaring magkaroon ng partner this year.
Ang pagkain ng 12 ubas ay sumisimbolo naman sa 12 buwan ng taon – ibig sabihin mula January hanggang December ay pwedeng dumating ang taong itinadhana sa iyo.
Baka Bet Mo: Barbie Forteza ready nang magpakasal kay Jak Roberto sa isang kundisyon…
Sa Instagram page ng nanay ni Kath na si Min Bernardo, naka-post ang litrato ni Kathryn na lumalafang ng ubas habang nasa ilalim ng lamesa.
Ang plot twist, dapat daw kainin ng nais magkadyowa ngayong 2025 ang 12 na ubas sa loob ng 12 minuto pagpatak ng 12 a.m. ng January 1.
View this post on Instagram
Pagkatapos mamapak ng grapes ni Kath ay nagtatalon din siya sa kapaniwalaang tatangkad pa ang taong gumawa nito pagsapit ng 12 midnight ng New Year.
Nagsuot din ang aktres ng blue and white polka dot tube top with matching white pants para mas dapuan pa ng swerte sa pagpasok ng Bagong Taon.
Base sa mga ulat, matagal na raw na tradisyon sa Spain ang pagkain ng 12 grapes na isa sa mga paraan para ma-manifest ang good luck at prosperity sa buong taon.
Samantala, maraming fans naman ni Kath ang nagsabi na patuloy nilang ipagdarasal na matagpuan na ng dalaga ang lalaking mamahalin at makakasama niya habangbuhay.
Ilang comments naman ang nabasa namin sa social media na sana’y sila na ng kanyang leading man sa “Hello, Love, Again” na si Alden Richards ang susunod na boyfriend ni Kathryn.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.