Jillian Ward may inamin tungkol kay Lord: I was doubting myself…
NAKARAMDAM din pala ng doubts o pag-aalinlangan ang Kapuso actress na si Jillian Ward pagdating sa usapin ng pananampalataya kay Lord.
Iyan ang isa sa mga rebelasyon ng tinaguriang Star of the New Gen nang mapag-usapan ang tungkol sa mga goals niya in life ngayong 2025.
Sa muling pagbisita niya sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay natanong ang lead star sa upcoming GMA series na “My Ilonggo Girl” kung anu-ano ang mga plano at expectations ngayong taon.
Sey ni Jillian, isa sa mga goals niya sa kanyang showbiz career this 2025 ay ang makagawa ng mga roles na mas magbibigay pa ng inspirasyon sa mga manonood.
Baka Bet Mo: Gabbi Garcia inaming si Khalil Ramos na ang ‘the one’: As in no questions, no doubt!
“Gusto ko po na mas i-push pa ‘yung sarili ko po. But also, gusto ko rin po na mas magkaroon pa po ng work-life balance talaga. Mas ma-manage ko po ‘yung work-life balance ko,” pahayag ng dalaga.
Sana raw ay mabigyan pa siya ng pagkakataon na makapag-portray ng mga karakter na makabuluhan at mas may lalim pa.
View this post on Instagram
Ngayong 2025, mas gusto pa rin ni Jillian na mag-focus muna sa self-love pero tullad ng naging pahayag niya last year, gusto pa rin niya magkaroon ng kahit kaunting kilig pagdating sa love.
“Kasi natutunan ko po na sobrang aking help po niya para ma-inspire tayo sa life, ‘yung meron tayong kilig, ganyan,” pag-amin ng aktres.
Kasunod nito, gusto rin ni Jillian na maging sentro na ng buhay niya ang Panginoong Diyos. Nagkaroon daw kasi siya ng pag-aalinlangan hindi lang sa kanyang sarili, kundi maging kay God.
“Sabi ko parang mali po ‘yun so this year, gusto ko talaga mawala ‘yung doubts ko, ‘yung fears ko, kasi alam ko na He’s protecting me and guiding me,” ani Jillian.
Ito raw ay dahil sa naramdaman niyang burn out nitong nagdaang taon at umabot pa nga raw siya sa puntong tinatanong na niya kung ano ba talaga ang purpose ng mga ginagawa niya sa buhay.
“Pero by the end of it po, natutunan ko ‘yung kung ano talaga ‘yung purpose ng ginagawa ko kasi ang dami po talaga palang nai-inspire.
“My story po ako, nagte-taping po ako ng My Ilongga Girl tapos I was doubting myself, ‘Ano po bang purpose ng ginagawa ko?’
“May nagbigay po sa akin ng Bible verse, sinasabi niya, ‘Trust God, He has plans for you.’
“That’s from a fan po habang nagte-taping na hindi siya nagpa-picture or anything, parang binigay lang po niya sa ‘kin,” pagbabahagi pa ni Jillian Ward na siguradong mas magiging promising ang career ngayong 2025.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.