Jillian ibinida si Michael Sager sa PBB: Genuine siya!

Jillian ibinida si Michael Sager sa PBB: Makikita kung gaano siya ka-genuine

Ervin Santiago - March 25, 2025 - 06:10 AM

Jillian ibinida si Michael Sager sa PBB: Makikita kung gaano siya ka-genuine

Jillian Ward at Michael Sager

TALAGA namang sumakses sa primetime ang tambalang MicJill nina Jillian Ward at Michael Sager!

Mula simula hanggang sa kilig-overload na finale ng “My Ilonggo Girl” nitong nagdaang Huwebes ay tinutukan ng viewers ang makulay at inspiring love story nina Tata (Jillian) at Francis (Michael).

Sa altar nga ang ending ng kuwento nina Tata at Francis matapos ang napakaraming pagsubok sa buhay ng mga bida. Nakarma rin sina Vivian (Teresa Loyzaga) at Venice (Myrtle Sarrosa) sa mga ginawa nilang kasamaan!

Pero, ano ‘to, may ibang Tata sa ending?! Ibig bang sabihin nito, may book 2 pa ang serye ni Jillian? Naku, matutuwa ang fans kung magkakatotoo ito!

Sa mga hindi nakapanood o pwede rin namang gusto lang talagang ulit-ulitin ang kilig ng finale ng “My Ilonggo Girl,” pwede pa ninyo ito mapanood kasama ng iba pang full episodes sa GMA Public Affairs at GMA Network Facebook at YouTube Channel.

Congrats, MicJill!

Samantala, sa interview ng “24 Oras” nag-share sina Jillian at Michael kung ano ang mami-miss nila sa isa’t isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michael Sager (@michaelsager_)


Sabi kay Jillian, iba talaga ang ginawang pag-aalaga ni Michael bilang leading man niya sa nagtapos na Kapuso romcom series.

“Kay Michael, ‘yung pagiging sobrang caring niya. Actually, he’s very, very sweet.

“Super gentleman po siya. Every morning he will get me my favorite drink, ‘pag may gusto akong food.

“Kahit pagbaba ko ng stairs nakaalalay siya, ‘yung mga ganun pong mga bagay. So, sobrang na-appreciate ko ‘yun,” sey ng dalaga.

Para naman kay Michael na napapanood ngayon sa “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition”, “Ako naman siguro mami-miss ko ang alagaan ka. Being with you kasi iba ‘yung energy na ibinibigay mo sa akin.”

Dagdag pa ng binata, “Siguro being in this type of environment , this work setting, masaya ako. And masaya talaga ako na naka-partner kita. Mami-miss ko ‘yung kakulitan natin and of course, ‘yung mga moments on set na very fun lang.”

Hindi na nga napanood ni Michael ang mga huling episode ng “My Ilonggo Girl” dahil sa pagiging celebrity housemate sa latest edition ng “PBB.”

Kaya nagbigay ng mensahe sa kanya ang Star of New Gen na si Jillian, “I pray na maging smooth lahat sa loob ng Bahay ni Kuya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I think du’n sa house ni Kuya, makikita ng mga tao din kung gaano rin ka-genuine si Michael. And that he’s actually really nice,” sey pa ni Jillian.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending