Criza Taa pinapatamaan nga ba si AC Bonifacio, Michael Sager?

Criza Taa pinapatamaan nga ba si AC Bonifacio, Michael Sager?

Therese Arceo - March 27, 2025 - 03:27 PM

Criza Taa pinapatamaan nga ba si AC Bonifacio, Michael Sager?

PARA nga ba sa Star Magic artist na si AC Bonifacio ang mga posts kamakailan ng kapwa aktres na si Criza Taa?

Usap-usapan kasi ngayon ang dalawa matapos ang kumakalat sa social media tungkol sa kung sino ang tinutukoy nina AC at Michael na artistang madalas mag-brag at mag-flex online na ipinalabas sa live stream ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab”.

Bagama’t walang binanggit na pangalan ang dalawa ay maraming nag-speculate na tila si Criza ang tinutukoy ng mga ito base sa mga ibinabahagi ng dalaga sa social media. Dagdag pa rito na parehas siyang pinapa-follow ng dalawa.

Matapos ngang mag-viral ang mga pahayag nina AC at Michael sa social media at ang pagkakadawit ng pangalan ni Criza sa istorya ay marami ang nag-iisip na ang mga tila cryptic posts ni Criza ay para sa dalawa.

Nitong Linggo, March 23, nag-post siya ng Instagram story kung saan nagme-make up siya sa loob ng sasakyan na may background song na “Who Says” ni Selena Gomez at ng The Scene.

Baka Bet Mo: Harvey Bautista-Criza Taa loveteam may magic, magpapakilig sa ‘Zoomers’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“who says you can’t be THE BEST? WHO SAID?!

“this song has been my mantra growing up. Having to be the breadwinner in such early age (14) pure hard work and independence brought me this far and I’m forever grateful for what I have now [praying hand emoji]. LISTEN TO ME!! If [you] can do it, who says you can’t?” sey ni Criza.

Sinundan pa ito ng panibagong story na may text caption na, “this world just always align with me. IT’S CALLED FAITH. this isn’t luck, this is pure perseverance.”

Kahit walang sinabing pangalan ay marami ang nag-a-assume na sina AC Bonifacio at Michael Sager ang pinatutungkulan niya.

Chika pa nila, baka ito raw ang sagot ng dalaga sa mga isyung kumakalat ngayon sa social media.

Para sa mga hindi aware, si AC ay kasalukuyang housemate sa pinakabagong edisyon ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab” habang si Criza naman ay dito nagsimula nang maging bahagi ng “Pinoy Big Brother: Otso”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami ang bumatikos kina AC at Michael at kinontra ang kanilang pahayag patungkol sa pagpe-flex.

Ipinagtanggol pa nga nila si Criza dahil talagang nagpursige ang dalaga at deserve nitong i-celebrate ang anumang bagay na gusto niya.

Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag ang kampo ni AC na kasalukuyang nanganganib na lumabas ng Bahay Ni Kuya matapos maging nominado kasama ang ka-duo na si Ashley Ortega.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending