Harvey Bautista-Criza Taa loveteam may magic

Harvey Bautista-Criza Taa loveteam may magic, magpapakilig sa ‘Zoomers’

Ervin Santiago |January 25,2024
facebook
share this

Harvey Bautista-Criza Taa loveteam may magic, magpapakilig sa ‘Zoomers’

Ervin Santiago - January 25, 2024 - 07:20 AM

Harvey Bautista-Criza Taa loveteam may magic, magpapakilig sa 'Zoomers'

Harvey Bautista, Criza Taa at ang iba pang cast members ng ‘Zoomers’

PAGBIBIDAHAN ng dating “Goin Bulilit” star Harvey Bautista at dating “PBB” housemate Criza Taa ang pinakabagong youth-oriented series ng ABS-CBN Studios na “Zoomers”.

Ito’y matapos nilang mapagtagumpayan ang madugong auditions at mapabilib ang tatlong kilalang direktor sa Kapamilya network.

Mula sa 18 Star Magic artists, sina Harvey at Criza nga ang napiling gumanap bilang Jiggs at Hope nina ABS-CBN Star Magic and TV production head Laurenti Dyogi, blockbuster film director Theodore Boborol, at “He’s Into Her” director Chad Vidanes.

Nakitaan naman ng tatlong director ng talento at potensyal ang dating “YeY” star na si Luke Alford, commercial model na si Ralph de Leon, at ang dancer na si Krystl Ball para kumpletuhin ang mga main character ng serye.

Iikot nga ang kwento ng “Zoomers” sa barkada nina Jiggs (Harvey), Hope (Criza), Kokoy (Luke), Atom (Ralph), at Tania (Krystl) na nabuo noong kasagsagan ng pandemiya.

Baka Bet Mo: Steve Harvey, Olivia Culpo trending sa socmed habang ginaganap ang 2020 Miss U

Sa kanilang pagsabak sa buhay matapos ang pandemiya, samahan ang kanilang barkada sa kanilang pagtuklas sa kanilang mga sarili at kung paano masusubukan ang kanilang pagkakaibigan sa pagdadaanan nilang mga pagsubok.

Para kay Harvey, hindi niya sasayangin ang pagkakataong binigay sa kanya nina Direk Lauren, Direk Ted, at Direk Chad. “Big deal ito para sa akin. Ito yung first project ko with a partner.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Star Magic (@starmagicphils)


“May kaba konti and excitement. It is something that I’ve been waiting for, and it’s something that I’m thankful for. I want to make them proud. I want to make the bosses proud,” aniya.

Ayon naman kay Criza, gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para mabigyan-buhay ang kanyang role.

Baka Bet Mo: Dingdong sa pa-surprise ni Steve Harvey: Ito yung shoutout na ka-level ng pagbati ni Santa Claus sa mga bata kapag Pasko!

“Ito yung first bida role ko under Star Magic at ABS-CBN yung may hawak. Tumatak sa akin na I’m so grateful and thankful na pinagkatiwalaan nila ako sa ganitong role.

“Ang number 1 na mapapangako ko is ibibigay ko yung 199% sa character ko. Isasabuhay ko si Hope,” saad ng dalaga.

Sobra rin ang pasasalamat ng mga baguhang artista na sina Luke Alford, Ralph de Leon, at Krystl Ball sa opportunidad na mapanood sa isang seryeng tatalakay sa mga pinagdadaanan ng kabataan ngayon.

Ang “Zoomers” ay mula sa direksyon ni Chad Vidanes at isinulat nina Charisse Bayona at Michael Transfiguracion. Abangan din sa serye sina Luis Vera Perez, Kei Kurosawa, Erika Davis, Hadiyah Santos, at Zabel Lamberth.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin ang “Zoomers,” pagkatapos ng “Can’t Buy Me Love, 10:15 p.m.,  sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending