Dingdong sa pa-surprise ni Steve Harvey: Ito yung shoutout na ka-level ng pagbati ni Santa Claus sa mga bata kapag Pasko! Bandera

Dingdong sa pa-surprise ni Steve Harvey: Ito yung shoutout na ka-level ng pagbati ni Santa Claus sa mga bata kapag Pasko!

Ervin Santiago |May 25,2022
share this

Dingdong sa pa-surprise ni Steve Harvey: Ito yung shoutout na ka-level ng pagbati ni Santa Claus sa mga bata kapag Pasko!

Ervin Santiago May 25, 2022 - 06:49 AM

Steve Harvey at Dingdong Dantes

LUMEBEL ang kilalang American TV host na si Steve Harvey sa kasikatan ni Santa Claus!

Ito’y matapos ngang magpasalamat nang bonggang-bongga ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa paboritong host ng Miss Universe pageant.

Para kay Dong, kasinghalaga at kasingtindi ng isang napakamahal na Christmas gift ang ginawang pagbati sa kanya ni Steve Harvey para sa success ng Philippine edition ng “Family Feud” kung saan siya ang game master.

Sa kanyang Instagram account, ni-repost ni Dingdong ang video message na ipinadala ni Steve sa GMA Network at sa production ng “Family Feud” edition dito sa Philippines.

“Mabuhay Philippines! This is Steve Harvey. Look, I want to congratulate Family Feud Philippines on GMA Network.

“Family Feud is now the most watched game show in the entire Philippines. Wow! You guys are unbelievable! Keep it up, Kapuso!” ang mensahe ng American television host para sa lahat ng bumubuo ng programa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)


Ito naman ang caption na inilagay ng award-winning actor sa kanyang IG post, “Para sa akin, ito yung shoutout na ka-level ng pagbati ni Santa Claus sa mga bata kapag Pasko.”

Kasunod nito, nabanggit nga ni Dingdong na talagang inatake rin sila ng matinding pressure noong nagsisimula pa lamang ang pagbabalik ng “Family Feud” sa Pilipinas.

Kaya naman talagang tagos sa puso ang pasasalamat niya kay Steve Harvey at sa lahat ng mga Pinoy na araw-aras na sumusubaybay sa kanilang programa.

“When we started the show in the Philippines for this season’s run, we knew we had big shoes to fill because of the show’s global success.

“That’s why I am just so grateful, energized and inspired to receive something like this from a person whose hosting skills I idolize.

“Maraming salamat, Tito Steve!” pahayag pa ni Dingdong.

Samantala, patuloy pa ring napapanood ang “Family Feud” mula Lunes hanggang Biyernes, 5:45 p.m. sa GMA 7.

Steve Harvey, Olivia Culpo trending sa socmed habang ginaganap ang 2020 Miss U

Dingdong Dantes magbabalik host ng ‘Family Feud’

Dingdong gustong makasama sa serye si Jo Berry; iniba ang style ng pagho-host sa ‘Family Feud’

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending