Dating 'Goin Bulilit' star Hopia Legaspi ikinasal na sa kanyang non-showbiz dyowa | Bandera

Dating ‘Goin Bulilit’ star Hopia Legaspi ikinasal na sa kanyang non-showbiz dyowa

Ervin Santiago |November 22,2021
facebook
share this

Dating ‘Goin Bulilit’ star Hopia Legaspi ikinasal na sa kanyang non-showbiz dyowa

Ervin Santiago - November 22, 2021 - 02:38 PM

Trina ‘Hopia’ Legaspi at Ryan Jarina

IKINASAL na ang dating “Goin’ Bulilit” star na si Trina “Hopia” Legaspi sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Ryan Jarina.

Naganap ang kanilang wedding nitong Sabado, Nov. 20, sa Holy Trinity Church at sinundan ng bonggang reception sa Conrad Manila.

Lutang na lutang ang ganda ng bride sa suot niyang “strapless gown with detachable puffy sleeves” na gawa ni Patricia Santos habang ang nagsilbi namang makeup artist sa kasal ay si Julius Cabanisas kasama ang hairstylist na si Diana May.

Ilan sa mga nagsilbing bridesmaid sa kasal ay ang mga kaibigan ni Hopia na sina Michelle Vito, Angeli Gonzales at Liza Soberano.

Naroon din ang mga kaibigan ni Hopia at dating mga kasamahan sa “Goin’ Bulilit” na sina CJ Navato, John Manalo at Igi Boy Flores. Naka-attend din sina Enzo Pineda, John Manalo, CJ Navato, Eliza Pineda, Camille Mortiz at Badjie Mortiz.

Sa kanyang Instagram page, ipinost ng aktor na si John Manalo ang litrato nina Trina at Ryan na kuha sa reception ng kanilang kasal. Aniya sa caption, “Congratulations, Hopia!” 

Sa litrato namang ibinahagi ni Oli Ruiz, makikitang ka-join ni Hopia ang kanyang “squad” bago magsimula ang seremonya.

View this post on Instagram

A post shared by Trina “Hopia” Legaspi (@trinalegaspi)


Kung matatandaan, nag-propose si Ryan kay Trina noong November, 2020. Ibinandera pa ng dating child star sa kanyang IG account ang mga kaganapan sa proposal.

“11/22/20 6 years together and forever!!  Without a doubt, in a heartbeat, I said YES! I can’t wait to marry my first and only love. Finally, malapit na tayong mag-travel na tayong dalawa lang! Yey!! 

“Grabe Babe, na-SURPRISE talaga ako, akala ko nung una ‘di pa para sakin ‘yung proposal! Hahaha! I’ll share with you guys our proposal story soon. Hindi na ito prank, totoong may kasalang magaganap!! @ryan_jarina.

“Thank you Lord for giving me my destined partner. It’s worth the wait talaga! I love you fiancé!! Yes, fianceeee na! Thank you!” sabi ng aktres sa kanyang IG post.

Bukod sa “Goin’ Bulilit”, napanood din si Trina sa mga Kapamilya show na “Luv U,” “Nathaniel,” at “A Love To Last”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Trina Legaspi humiling ng dasal para sa mga kapamilya na tinamaan ng COVID-19

View this post on Instagram

A post shared by Trina “Hopia” Legaspi (@trinalegaspi)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending