Criza Taa itinanggi ang relasyon kay BGYO Nate: Hindi para maging kabit huy! | Bandera

Criza Taa itinanggi ang relasyon kay BGYO Nate: Hindi para maging kabit huy!

Therese Arceo - July 18, 2023 - 06:27 PM

Criza Taa itinanggi ang relasyon kay BGYO Nate: Hindi para maging kabit huy!

PINABULAANAN ng dating “Pinoy Big Brother” teen housemate at Star Magic artist na si Criza Taa ang kumakalat na chikang nag-uugnay sa kanya sa isang member ng Ppop group na BGYO na si Nate Porcalla.

Sa kanyang Twitter account ay nilinaw niya na walang something sa pagitan nila ng binata.

Nagsimula kasi ang isyu matapos paratangan ng mga fans ni AC Bonifacio si Criza patungkol sa panloloko ni Nate kay AC habang magkarelasyon sila.

Agad namang nilinaw ng dalaga ang isyu at itinanggi ang mga paratang na ibinabato sa kanya.

“here to address the issue, i’m not with bgyo nate. never dated him/went out with him. i have NOTHING to do with the issue,” diretsahang sabi ni Criza.

Aniya, nag-usap na sila ni AC at nag-sorry na rin daw ito sa kanya at maayos na sila.

Nang batikusin kasi si Criza ay agad na rumesbak ang mga tagasuporta nito sa mga bashers.

“she apologized and we’re ok. I hope we don’t believe whatever we see on social media esp without proof,” sey niya.

Baka Bet Mo: Criza Taa ‘binasted’ ang ‘promposal’ ni Josh Worsley: Naa-appreciate ko lahat pero…

[Hindi] para maging kabit huy!!” dagdag pa niya.

Sa isa pang kasunod na tweet ay muling iginiit nito na hindi siya nakipag-date kailanman kay Nate.

“Just what I said, I never went out with him or entertained him but to make things clear & para alam niyo po san nang galing to,” sey ni Criza.

Dagdag pa niya, nag-message raw sa kanya ang binata at tinatanong siya kung pwedeng siyang maka-date.

“he did message me asking me to go out but i didn’t [go] cause nate & i are NOT even close/friends,” lahad pa ni Criza.

Dagdag pa niya, “i have respect for AC. Ms. GRWM [Get Ready With Me] is girls [for] girls 4ever.”

Umugong kasi sa Twitter ang diumano’y pangloloko ni BGYO Nate habang magkarelasyon sila ni AC at isa nga si Criza sa mga nadamay sa isyu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
BGYO, BINI matinding hamon ang haharapin sa ‘One Dream’ concert: Tingnan natin kung kakayanin nila!

AC Bonifacio nape-pressure bilang unang artist ng Star Magic Records

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending