Steve Harvey, Olivia Culpo trending sa socmed habang ginaganap ang 2020 Miss U | Bandera

Steve Harvey, Olivia Culpo trending sa socmed habang ginaganap ang 2020 Miss U

Reggee Bonoan - May 17, 2021 - 01:45 PM

FULL of surprises ang naganap na 69th edition ng Miss Universe pageant na ginanap ngayong araw sa Florida, USA.

Una na nga rito ang hindi pagpasok ng mga early favorite sa Top 21 at mas marami pang nagulat nang hindi man lang napasama sa Top 10 ang Miss Philippines, Miss Australia, Miss Indonesia at Miss Vietnam.

Nakakaaliw naman magbasa ng comments matapos maging trending topic sa Twitter si Miss Universe 2012 Olivia Culpo na naging co-host ni Mario Lopez.

Nagkakaisa kasi ang halos lahat ng netizens sa pagsasabing parang walang energy mag-host si Olivia sa katatapos na 69th Miss Universe kung saan nanalo nga si Miss Mexico Andrea Meza.

Pero ang talagang pinag-usapan ng manonood bukod sa resulta ng pageant ay si Steve Harvey dahil hinahanap siya ng Pinoy fans na simula 2015 ay nagsilbing host ng Miss Universe.

Pero ngayong taon nga ay wala ang TV host dahil sa prior commitment para sa filming ng season 2 ng “Family Feud” sa South Africa.

Bagama’t matagal nang artista at TV host si Steve ay mas tumatak siya sa mga Filipino nang mag-host sa Miss Universe 2015 kung saan nagkamali siya nang tawagin si Miss Colombia bilang winner pero nag-sorry dahil ang tunay palang nagwagi ay si Pia Wurtzbach.

Abut-abot naman ang pagsisi at paghingi ng tawad ni Steve sa lahat ng nakapanood sa pageant lalo na kay Miss Colombia at sa Miss Universe organization.

Hindi nagalit ang lahat kay Steve Harvey at sa katunayan sa mga sumunod na Miss U ay tuwang-tuwa na sa kanya dahil sa kanyang sense of humor bukod pa sa agam-agam na baka mamali na naman siya ng pagtawag na idinaan na lamang niya sa biro.

At sa katatapos na 69th Miss Universe kaninang umaga ay nabasa naming pinababalik na si Steve Harvey sa Miss Universe competition.

Ayon kay @sjydiorz, “I think we can all collectively agree that Steve Harvey was the best host in Miss Universe Pageant.” Sabay post din ng mga larawan nina 2016 Miss Universe Pia Wurtzbach na naka-blue gown at 2018 Miss Universe Catriona Gray wearing red gown habang kausap si Steve.

Sa pananaw naman ni @FieryMorissette, “If Catriona became gold standard when it comes to being a Miss Universe, then Steve Harvey is also a gold standard when it comes to being a Miss Universe Host.”

Say naman ni @onesinag, “No offense, Miss Universe will be never the same without Steve Harvey.”

Para kay @SGbelievee, “Okay but miss universe without Steve Harvey is never the same. #missuniverse #PHILIPPINES.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi naman ni @prodpjmhoe, “Miss Universe really hits different with Steve Harvey as the host, the goosebumps every time he announces the finalists gives off a different energy, the way viewers could really feel the tension and excitement OLIVIA COULD NEVER!  #missuniverse #PHILIPPINES #AribaRabiya.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending