River Joseph, Will Ashley ililigtas ng mga beki sa PBB eviction

River Joseph, Will Ashley ililigtas ng mga beki sa eviction night ng PBB

Ervin Santiago - March 26, 2025 - 06:35 AM

River Joseph, Will Ashley ililigtas ng mga beki sa eviction night ng PBB

Ashley Ortega, AC Bonifacio, Will Ashley at River Joseph

SINO nga kaya sa mga housemates ang unang mapapalabas sa Bahay ni Kuya matapos i-announce ang mga nominado para sa unang eviction sa “PBB Celebrity Collab Edition”?

In fairness, number 1 trending topic pa rin nitong nagdaang Monday, March 24, ang hashtag #PBBCollab1stNomi after pumili ang mga housemate ng duo na maaaring mapalayas sa Big Brother house this coming weekend.

Ang tatlong nominadong duo na ang WilVer (Will Ashley at River Joseph); ACLey (AC Bonifacio at Ashley Ortega); at ang RaMi (Ralph de Leon at Michael Sager).

Ayon sa mga housemates, ibinoto nila ang mga napili nilang i-nominate for eviction dahil ang ilan sa mga ito ay hindi tumutulong sa mga gawaing-bahay, habang may mga nasosobrahan o nagkukulang naman sa pagpapakatotoo sa loob.

Base sa mga nababasa naming reaksyon ng mga manonood at ng mga netizens, ang gusto nilang ma-evict ay sina Ashley at AC dahil sa attitude raw nila sa loon ng Bahay ni Kuya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pinoy Big Brother (@pbbabscbntv)


Grabe naman ang pakiusap ng fans na i-save raw sana sina Will at River, lalo na ng sangkabadingan. Malulungkot at baka raw bumitaw na sila sa pagsubaybay sa “PBB” kapag wala na ang WilVer.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon sa social media na pawang nananawagan na iligtas ang WilVer.

“Save Will and River bahala na kayo diyan sa apat hahaaha.”

“Save wiill and river done ok nku sa knila di bali si ashley total plagi na siya na iiyak na ppgod na siya at na iinis ….para di siya umiyak .din khit ayaw ko lumabas siya pero para di na siya mhirapan.”

“Kaya sa mga bading wag puro nuod, support din sa vote sana hahahaha.. charetttt”

“Kuya wag muna si Will at River, alalahanin nyo maraming bading na malalandi ang nanunuod ngayon.”

“Ngayong season lang ako ginanahan manood dahil iba talaga impact nila sa kipay ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Huwag na muna palabasin yang dalawa, especially si River hahaha.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending