Princess Pacquiao ilang linggong umiiyak sa loob ng bahay sa UK

Princess Pacquiao ilang linggong umiiyak sa loob ng bahay sa UK

Ervin Santiago - January 04, 2025 - 12:35 AM

Princess Pacquiao ilang linggong umiiyak sa loob ng kwarto sa UK

Jinkee Pacquiao, Manny Pacquiao, Princess Pacquiao kasama ang mga kapatıp

ILANG linggo ring umiiyak ang anak nina Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao na si Mary Divine Grace Princess na solong namumuhay ngayon sa United Kingdom.

Kasalukuyang nag-aaral ng college si Princess sa Royal Holloway, University of London. Mag-isa lamang siyang naninirahan doon at napakalayo sa pamilya.

Tinatapos ng dalaga ang kanyang kursong Biomedical Sciences na kino-consider niya bilang pre-medical course. Yes, pangarap ni Princess na maging doktor in the future.

Sa panayam ni Dyan Castillejo sa anak nina Manny at Jinkee na napapanood sa kanyang YouTube channel, ibinahagi nito ang mga kaganapan sa kanyang buhay at sa pag-aaral niya sa London.

Baka Bet Mo: Bela may sariling film company sa UK, hindi tuluyang lalayasan ang Pinas: ‘Walang ganu’n…’

“It’s really good. My course it’s getting difficult now but I’m having a lot of fun. I made so many new friends,” pahayag ni Princess.

Masaya at proud ding ibinandera ng anak ni Pacman na isa rin siyang student athlete sa kanilang university bilang bahagi ng volleyball at badminton teams ng kanilang school.

Nagsisimba rin daw siya sa isang local church doon tuwing Linggo. Napakalaki raw ng naitulong ng kanyang faith kay God sa pag-a-adjust niya sa pamumuhay niya sa UK.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Manny Pacquiao (@mannypacquiao)


“The first few weeks for me were the hardest. I cried almost every single week. I was just crying in my room because I missed my family so much.

“I was worrying so much about adjusting, making new friends, and I had to remember that I had to pray, turn to God, and ask Him for guidance.

“Because I was so lost in those first few weeks because it was a new environment for me so I figured,” tuluy-tuloy na kuwento ng dalaga.

Chika pa ni Princess, nagko-commute rin siya sa London tulad ng mga ordinaryong mamamayan doon. At tulad sa MRT at LRT sa Pilipinas, challenging din kung minsa ang pagsakay niya sa subway kapag rush hour na, “It’s fully packed.”

Noong September, 2024, ihinatid nina Jinkee at Manny si Princess sa UK. Sa kanyang Instagram account, nag-share si Jinkee ng mga video kung saan makikita ang emotional na pamamaalam ni Princess sa kapatid na si Queenie.

“Alis na si Princess for college. Wala gyud na sila nagbulag sukad karun lang na mag eskwela na sa London si Princess (They have never been apart until now since Princess will be studying in London),” sey ni Jinkee.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hilak pud ang inahan nag tan aw sa ilaha (I also got emotional watching them),” dugtong ni Jinkee sa kanyang post.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending