Jimuel Pacquiao wagi sa 7th amateur boxing fight, Manny at Jinkee super proud: ‘Congrats and we miss you, anak!’ | Bandera

Jimuel Pacquiao wagi sa 7th amateur boxing fight, Manny at Jinkee super proud: ‘Congrats and we miss you, anak!’

Pauline del Rosario |February 06,2023
facebook
share this

Jimuel Pacquiao wagi sa 7th amateur boxing fight, Manny at Jinkee super proud: ‘Congrats and we miss you, anak!’

Pauline del Rosario - February 06, 2023 - 12:17 PM

Jimuel Pacquiao wagi sa 7th amateur boxing fight, Manny at Jinkee super proud: ‘Congrats and we miss you, anak!’

SUSUNOD na kaya sa yapak ng boxing legend na si Manny Pacquiao ang panganay niyang anak na si Jimuel?

Ilang beses na kasi siyang nananalo sa magkakasunod na amatuer fight!

Nitong February 5, nagwagi si Jimuel sa kanyang ika-pitong laban sa Amerika.

Nangyari ang amateur fight sa Las Vegas at ang nakalaban niya ay si American amateur boxer na si Marco Rosales.

Ayon pa sa ulat na aming nakalap, mas malaki kay Jimuel ang nakalaban.

Si Jimuel ay may timbang na 135-and-a half pounds, habang si Marco ay nasa 148 pounds.

Proud na proud nanaman siyempre ang kanyang mga magulang na sina Manny at Jinkee at ibinandera agad ang kanyang achievement sa social media.

Si Manny, ibinahagi sa Instagram ang tila edited poster ni Jimuel.

Kalakip din niyan ang caption na, “Congrats to our eldest son @pacquiao.emmanuel for winning his 7th amateur fight! [boxing gloves emoji] We are so proud of you [Philippine flag emoji].”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Manny Pacquiao (@mannypacquiao)

Libo-libong netizens naman ang napa-comment sa post ni Manny at sinabing may pinagmanahan si Jimuel pagdating sa boxing.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“Congratulations to the young champion. I think he will be as cool as his father.”

“A new legacy in the making we hope. Congratulations!”

“Blood of a FIGHTER [fire emojis] A WARRIOR [fire emojis] Best of luck!”

Ibinandera din ni Jinkee na kahit hindi nila nakasama si Jimuel sa kanyang laban ay agad naman nila itong kinamusta sa pamamagitan ng video call.

Ipinost ni Jinkee sa Instagram Stories ang screenshot habang kausap ang anak at may caption pa ito na, “Congratulations @pacquiao.emmanuel we miss you and we love you so much! Lord, salamat sa panalo.”

Kasalukuyang nananatili si Jimuel sa Los Angeles, California para ipagpatuloy ang kanyang boxing training sa Wildcard Boxing Club na naging training camp din ni Pacman sa loob ng maraming taon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related chika:

Manny, Jinkee mas gustong mag-showbiz si Jimuel kesa maging boksingero

Jimuel natakot sa unang pagsabak sa akting, pero kinarir ang role sa ‘Click, Like, Share’

Pacman proud na proud sa pagkapanalo ni Jimuel sa junior welterweight fight sa US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending