Jimuel natakot sa unang pagsabak sa akting, pero kinarir ang role sa 'Click, Like, Share' | Bandera

Jimuel natakot sa unang pagsabak sa akting, pero kinarir ang role sa ‘Click, Like, Share’

Ervin Santiago - May 26, 2021 - 10:09 AM

AMINADO ang anak nina Sen. Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel na inatake siya ng takot at matinding pressure sa una niyang pagsabak sa akting.

Isa si Jimuel sa mga bibida sa bagong digital anthology series na “Click, Like, Share” na tatalakay sa mga maiinit na issue at problema sa paggamit ng social media.

Ayon sa binata, dahil nga baguhan pa lamang siya sa larangan ng pag-arte ay talagang ginagawa niya ang lahat para hindi mapahiya sa una niya niyang proyekto, kabilang na riyan ang pagmo-motivate sa sarili para magampanan nang tama ang ibinigay na role sa kanya.

“The scariest was not doing good. Sometimes, it makes you overthink. But I really had to push through, study and practice,” pahayag ni Jimuel sa nakaraang virtual mediacon para sa “Click, Like, Share” kung saan makakasama niya sa ginawa niyang episode si Seth Fedelin.

Sey pa ng binatang anak ni Sen. Pacquiao, “This one is my first acting job so it was very new to me. I really wanted to prepare and do my best for this episode and in everything I do, I always give my best.”

Sey pa ni Jimuel, pinag-aralan niyang mabuti ang script at ilang ulit binasa para mabigyan niya ng hustisya ang karakter na ibinigay sa kanya bilang biktima ng scammer sa social media.

“I was kinda nervous at first kasi it’s the first one so you wanna really do good. A few nights before I kept on studying the script, doing what I needed to do. But I knew I would give my best,” sabi ng binata.

Nang tanungin kung happy ba siya sa naging desisyon niyang pasukin na rin ang showbiz, “The reason why I’m here is because I just want to maximize opportunities.

“Sabi nila when you’re young, try everything. Do everything you can. You’re still young and you have time on your side,” paliwanag pa ng anak nina Manny at Jinkee.

At dahil tungkol nga sa socmed ang “Click, Like, Share”, tinanong din si Jimuel kung ano ang masasabi niya sa mga haters at negatron na walang ginawa kundi ang mam-bully ng kapwa.

“When it comes to people bashing me, I just tune it out. Nasanay na ako getting comment from a lot of people because ‘yung dad ko (ay kilalang personalidad),” ani Jimuel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang digital series na “Click, Like, Share” simula sa Hunyo 5 sa KTX.ph at iWantTFC. Bukod kina Jimuel at Seth, pagbibidahan din ito ng Gold Squad members na sina Andrea Brillantes, Francine Diaz at Kyle Echarri na may kanya-kanya ring episode sa programa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending