Heaven may rebelasyon sa naging relasyon kay Jimuel Pacquiao

Heaven Peralejo may rebelasyon sa naging relasyon kay Jimuel Pacquiao

Ervin Santiago - March 02, 2025 - 12:10 AM

Heaven Peralejo may rebelasyon sa naging relasyon kay Jimuel Pacquiao

Kiko Estrada, Heaven Peralejo at Jimuel Pacquiao

NAG-EXPLAIN ang aktres na si Heaven Peralejo tungkol sa mga dati niyang nakarelasyon na sina Jimuel Pacquiao at Kiko Estrada.

Naging kontrobersiyal ang breakup nina Heaven at Jimuel dahil ang lumabas na chika kung bakit sila nagkahiwalay ay hindi raw siya feel ng parents ng binata na sina Manny at Jinkee Pacquiao.

Inakusahan naman siya noon na siyang third party umano sa break up ng dating celebrity couple na sina Kiko Estrada at Devon Seron.

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”, mariing dinenay ni Heaven na tutol o hindi both sa kanya ang mga parents ni Jimuel kaya sila nagkahiwalay ng binata.

“No, no beef at all. Sobrang okay namin. Okay po kami until the end,” ang paglilinaw ni Heaven kay Tito Boy.

Baka Bet Mo: Manny, Jinkee mas gustong mag-showbiz si Jimuel kesa maging boksingero

Tungkol naman sa kanila ni Kiko, “Miscommunication, but he (Kiko) cleared it out with Tito Ogie Diaz naman. He did, na parang ‘It’s so far, malayo ‘yung timeline (walang tuhugang naganap).'”

“But then, naunahan na, e. Naunahan na ng tsismis during that time. So, kahit ano’ng sabihin mo sometimes wala na rin talaga,” esplika pa ng dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heaven Peralejo (@heavenperalejo)


August, 2021 nang aminin nina Heaven at Kiko ang kanilang relasyon pero makalipas lamang ang ilang buwan ay nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagmamahalan.

Samantala, tandang-tanda pa ni Heaven ang advice sa kanya ng kanyang tiyahing si Rica Peralejo nu’ng medyo gumaganda na ang kanyang  showbiz career.

Sa mga hindi pa aware, pinsan ng nanay ni Heaven si Rica at ang kapatid nitong si Paula Peralejo na dati ring nag-artista.

Hangga’t maaari, sabi raw ni Rica, ay huwag daw siyang magpa-sexy nang bonggang-bongga sa mga gagawin pa niyang acting projects in the future.

Nabanggit kasi ni Tito Boy sa naturang panayam kay Heaven na naaalala niya si Rica sa tinatahak niya ngayong career path.

Ilang sexy movies din ang pinagbidahan noon ni Rica na talaga namang tumatak sa mga manonood, lalo na sa mga kalalakihan.

“Ang sinasabi niya every time nagre-reunion kami, which was, actually recently nagkita lang kami, sabi niya, ‘Naku, huwag kang magse-sexy ha,’” pahayag ni Heaven.

Sundot na tanong ni Tito Boy, bakit daw ganu’n ang naging advice ng kanyang Tita Rica.

“Hindi na raw kasi kailangan. ‘Huwag na. Maganda na ‘yung career mo,'” ang sabi raw sa kanya ni Rica.

Um-agree naman daw si Heaven sa sinabi ni Rica kaya naman may conscious effort on her part na huwag tatanggap ng mga projects kung saan kailangan niyang magpakita ng hubad na katawan.

“Sabi ko, ‘Totoo naman, wala naman po. Wala naman akong plano,” sey pa ni Heaven.

Sumunod na question ni Tito Boy kay Heaven kung alam ba niya na napaka-sexy at sensual ng dating niya sa mga kalalakihan.

Sandaling nag-isip si Heaven bago nag-dialogue ng, “Yes, yes. And I actually embrace it.”

“Actually, it makes, it gives me confidence at some point. Na parang sometimes, oh nga naman, why should I be so insecure with small things when I can be so much more.

“And sexy, parang anong masama sa sexy? It’s part of my job too. I got, you know, endorsements because of it,” sey pa ng dalaga kasunod ng pagsasabing may mga advantage rin ang pagiging sexy.

Samantala, wala naman daw napi-feel na pressure si Heaven sa pagiging isang Paralejo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sa mga tao naman po, nakakatuwa lang na minsan, ‘Oh, naka-work ko ‘yung tita mo,’ ganu’n. So parang, ah okay, it’s a good conversation starter na lang,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending