Manny, Jinkee todo suporta kay Princess, nag-aaral na sa London

Manny, Jinkee todo suporta sa anak na si Princess, nag-aaral na sa London

Pauline del Rosario - September 26, 2024 - 02:08 PM

Manny, Jinkee todo suporta sa anak na si Princess, nag-aaral na sa London

PHOTO: Instagram/@jinkeepacquiao

PROUD parents sina Jinkee at Manny Pacquiao sa kanilang anak na si Mary Divine Grace o mas kilalang Princess, lalo na’t nag-first day of school na siya sa University of London.

Magugunita nitong buwan lang din nang lumipad patungong London si Princess para doon mag-aral ng college.

Ibinandera pa nga mismo sa social media ng kanyang ina na si Jinkee ang emosyonal na pamamaalam sa kanya ng pamilya.

Pero hindi rin nagtagal ay bumisita rin ang kanyang magulang, kasama ang isa niyang kapatid na si Michael upang magbigay ng suporta sa unang araw niya sa klase.

Sabay-sabay silang nag-tour sa eskwelahan kung saan isa-isa nilang pinuntahan ang ilang buildings at library.

Baka Bet Mo: True ba, Jinkee Pacquiao nagmaldita raw sa ibang bansa?

Sa caption ni Jinkee, makikita ang hashtags na “school tour” at “first day of school.”

Tinag din niya ang Instagram account ng educational institution na Royal Holloway.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)

Makikita rin sa isa pang post ni Jinkee na sinamahan nila sa dormitory si Princess.

Mapapanood sa video na inaayos ni Manny ang kama ng kanyang anak, habang nagluluto naman si Jinkee.

“We love you Princess,” sey ni Jinkee sa post.

Inilahad din ng misis ng legendary boxer na patuloy nilang susuportahan ang pagtupad ng pangarap ng kanilang anak, kahit masakit sa puso na mawalay ito sa kanila.

“We know you’ll be fine. God loves you,” ani pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)

Bukod diyan, mukhang sinulit din ng apat ang pagbisita kay Princess dahil pinuntahan din nila ang ilang sikat na tourist destination ng nasabing siyudad.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)

Kung maaalala, noong Mayo lamang nang magtapos sa high school si Princess, ang ikatlong anak nina Manny at Jinkee.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending