8 drug suspects sa Bicol timbog, shabu na nasa kalahating milyong piso kinumpiska
WALONG drug suspects ang nahuli sa magkakahiwalay na buy-bust operations sa Bicol region.
Ayon sa pulisya, nangyari ang operasyon nitong weekend (Feb. 4 at 5) at nakumpiska nila ang mahigit P539,000 worth na shabu o crystal meth.
Kabilang na riyan ang 36-year-old na si Karl Hernandez na nahuli sa Barangay Sto. Domingo sa bayan ng Nabua sa Camarines Sur.
Nakuha sa kanya ang apat na sachet ng shabu na nasa P6,800 at buy-bust money na P500.
Sa Daet, Camarines Norte ay timbog ang high value target na si Joseph Cuyos, isang residente sa Bayan ng Tayabas sa Quezon.
Ayon sa police report, nahuli si Cuyos na nagbebenta ng 70 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P476,000 sa isang undercover agent.
Naaresto din sa Sorsogon province ang 22-year-old na si Joshua John Maldo na nagbebenta ng sachet ng shabu na nasa P2,040 sa isa ring undercover agent.
Meron din sa Albay na nahulihan ng worth P5,848 na shabu mula sa street-level peddlers na sina Jomarie Besinal at Norabelle Dorado.
Nahuli rin sa akto ng pagbebenta ang 45-year-old na si Noriel Brandes sa bayan ng Canaman sa Camarines Sur.
Nakumpiska sa kanya ang P1,000 na sachet ng shabu.
Arestado sa bayan ng Baao sina Christian Boslon at James Paul Sorsona na may dalang P47,600 worth ng shabu.
Ang mga nahuling suspek ay nahaharap sa paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Read more:
Ilang senador nabahala sa pagkapatay ng siyam aktibista sa ‘Bloody Sunday’
Na kay VP Leni ang momentum para sa 2022
Dating gasoline boy, factory worker architecture graduate na ngayon, 8 taon nag-aral sa kolehiyo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.