Richard Yap sa mga kontra-artista sa politika: It’s unfair for a lot of us!

PHOTO: Instagram/@kreativden
MALAPIT na ang midterm elections, kaya muling umiinit ang usapin tungkol sa mga artistang pumapasok sa mundo ng politika.
Isa sa mga nagpahayag ng kanyang saloobin hinggil dito ay ang aktor at dating congressional candidate na si Richard Yap.
Kamakailan lang, naging guest siya sa programang “Fast Talk with Boy Abunda” at diyan niya mariing kinondena ang patuloy na pangmamaliit sa mga showbiz personalities na pinipiling maglingkod sa gobyerno.
“I think that’s unfair because there are a lot of artists who have the brains to be in politics, to be in public service,” sey ng aktor.
“It’s a generalization, it’s unfair for a lot of us,” giit pa ni Richard na minsan ding tumakbo bilang kinatawan ng Cebu City.
Baka Bet Mo: Aiko sa celebs na tatakbo sa eleksyon: Isapuso ninyo ang pagpasok sa pulitika!
Sa parehong panayam, ipinunto naman ng TV host na si Boy Abunda na dapat respetuhin ang mga kwalipikado, anuman ang kanilang propesyon.
“Kanina I liked your point, amyendahan n’yo ang batas because the constitution allows everybody who is qualified for public office. Iilan lang ‘yung mga requirements na ‘yan: You have to be a natural born Filipino citizen, 10-year residency, 35 years old for senators, 40 for the presidency.”
Aniya pa, “Kung qualified ka doon, you have the right to do that (enter politics).”
Ilan lamang sa mga celebrities na nag-file na ng certificate candidacy ay sina Philip Salvador, Marco Gumabao, Ion Perez, Enzo Pineda, at Diwata.
Tatakbo rin sa 2025 elections ang ilang kilalang personalidad kabilang na sina Manny Pacquiao, Arjo Atayde, Richard Gomez, Jolo Revilla, Lani Mercado-Revilla, Lucy Torres-Gomez, Yul Servo, at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.