Jessy todo suporta kay Luis sa 2025 elections: ‘You are made for this!’
PROUD na ibinandera ni Jessy Mendiola ang kanyang pagsuporta para sa mister na si Luis Manzano na tatakbong vice governor ng Batangas sa taong 2025.
Sa Instagram, ipinakita ni Jessy ang ilang moment nang mag-file ng certificate of candidacy (CoC) ang TV host.
Kalakip niyan ang mahabang mensahe na inihahayag kung gaano siya ka-proud sa bagong journey ni Luis.
Inamin din ni Jessy na wala sa plano nilang mag-asawa ang pagsabak ng kanyang mister sa gobyerno.
“This wasn’t part of our plan but God had other plans for us,” panimula niya sa IG post.
Baka Bet Mo: Sure na, Sam Verzosa tatakbong mayor ng Maynila, sino kaya ang vice?
Patuloy ng celebrity mom, “Isa ka sa pinaka-masipag, maalaga at mapagbigay na tao na kilala ko.”
“Kahit noon pa man, palagi mong iniisip kapakanan ng ibang tao,” wika pa niya.
Nabanggit din ni Jessy kung gaano kabait ang kanyang asawa at ito raw ay mapapatunayan hindi lamang niya, kundi pati rin ng mga katrabaho ni Luis.
“Ang puso mo ay napaka-linis at yun ang isa sa rason kung bakit kita minamahal,” dagdag ng aktres.
Mensahe niya sa TV host, “Alam kong hindi ito parte ng plano natin pero andito ako para suportahan ka kahit ano pa man ang mangyari.”
“Isang malaking pagbabago ito sa buhay natin at alam kong mabuting pagbabago ito. Marami kaming nakasuporta sayo, Love,” saad niya.
Patuloy ng aktres, “I am extremely proud of you for choosing this path, the path to help make a change and extend help to others. You are made for this.”
“Mararanasan na ng iba ang alagang ‘LUCKY’ na ilang taon ko na rin nararanasan,” ani pa ni Jessy sa caption.
Sa comment section, makikitang nag-reply sa post si Luis at lubos na pinasalamatan ang kanyang misis.
“Love you Wowow, thank you for being there [red heart emoji],” lahad ng mister ni Jessy.
Magugunitang kasama ni Luis sa pag-file ng CoC ang kanyang ina na si Vilma Santos at half-brother na si Ryan Recto na tatakbong Batangas governor at Batangas 6th district representative, respectively, sa darating na 2025 midterm elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.