Luis Manzano, Jessy Mendiola planong magka-baby no. 2

Luis Manzano, Jessy Mendiola plano na nga bang magka-baby no. 2?

Pauline del Rosario |September 02,2023
facebook
share this

Luis Manzano, Jessy Mendiola plano na nga bang magka-baby no. 2?

Pauline del Rosario - September 02, 2023 - 05:06 PM

Luis Manzano, Jessy Mendiola plano na nga bang magka-baby no. 2?

PHOTO: Instagram/@jessymendiola

MUKHANG nag-eenjoy ang celebrity couple na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano sa pagiging first time parents.

Sabi ni Luis, balak nila sundan ang panganay na anak na si Baby Rosie o mas kilala bilang si Baby Peanut.

Ibinunyag ‘yan mismo ng TV host matapos makapanayam ng ABS-CBN News kamakailan lang.

Ayon pa sa aktor, pinag-uusapan na nila ito ni Jessy upang mapaghandaan na rin.

“Pahinga muna si Jessy, pero pinag-uusapan na namin,” sey ni Luis sa interview.

Patuloy niya, “Kumbaga may konting time table naman kaming naka-ready kapag dumating na.”

“We want to enjoy Peanut din naman. I mean for some families ang gusto nila ay tuloy-tuloy na, isang bagsakan then rest. ‘Yung iba they prepare having intervals, in between,” paliwanag pa niya.

Baka Bet Mo: Jessy nakiusap sa haters: Sana ‘wag nating i-crucify ang isang tao dahil lang mali yung sinabi niya

Nilinaw rin ni Luis na ang kanyang misis ang masusunod pagdating sa pagkakaroon ng isa pang baby.

“Pero ‘yung para sa akin, whenever Jessy is ready,” sambit niya.

Aniya pa, “Hindi naman kasi ako ‘yung magdadala ng nine months eh. Kumbaga siya talaga ang magdadala, so whenever she’s ready then mas mage-effort kami.”

Nang tanungin ang TV host kung ilang anak ba ang gusto nilang mag-asawa.

Ang sagot ni Luis, “Ang wish namin, three.”

“Pero siguro kasi we have 12-year age difference, 42 ako, si Jessy ay 30. So mas may konting leeway siya dahil bagets pa,” sambit pa niya.

Ani pa ng TV host, “Pero siguro two is okay. Pero if it’s God’s plan na si Peanut lang ang ibigay sa amin, we are more than happy.”

Kung maaalala, noong December 28 ng nakaraang taon ipinanganak ng aktres ang panganay nila ni Luis, ngunit January 7 lang nila ito ibinandera sa publiko at pinangalanang si Isabella Rose Tawile Manzano.

Matatandaang taong 2021 nang ikinasal sina Luis at Jessy.

Related Chika:

Mariel Padilla nag-solo sa bakasyon after 7 years, namasyal sa Paris: ‘JUST ME…bittersweet without my kids’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Luis Manzano kay Jessy Mendiola: You’re still hotter than ever

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending