Luis, Jessy nag-celebrate ng 1st wedding anniversary: One down, forever to go! | Bandera

Luis, Jessy nag-celebrate ng 1st wedding anniversary: One down, forever to go!

Ervin Santiago |February 22,2022
facebook
share this

Luis, Jessy nag-celebrate ng 1st wedding anniversary: One down, forever to go!

Ervin Santiago - February 22, 2022 - 01:53 PM

Jessy Mendiola at Luis Manzano

PARANG kailan lang nang aminin at ibandera ng celebrity couple na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano ang kanilang secret wedding sa The Farm at San Benito sa Batangas.

At kahapon nga, Feb. 21 ay ipinagdiwang ng mag-asawa ang kanilang first anniversary as married couple kung saan nagpalitan sila ng super kilig message para sa isa’t isa.

Nag-post ang mag-asawa sa kani-kanilang social media accounts ng mga bonggang litrato mula sa isa nilang wedding pictorial sa Boracay.

“Happy 1st anniversary, my love. It’s been a year since we got married and my love for you has never been stronger. 

“Thank you for choosing to love me everyday. I will never get tired of watching sunsets with you. I love you,” ang caption ni Jessy sa kanyang Instagram post.

Nag-share rin ng ilang litrato nila ni Jessy si Luis sa IG na may short but super sweet message na, “Happy 1st wedding anniversary my wowow! One down, forever to go.”

Noong December, 2020 in-announce ng showbiz couple ang kanilang engagement at nagpakasal nga last Feb. 21, 2021 makalipas ang apat na taong relasyon. 

Ngunit inamin lamang nila sa publiko ang kanilang kasal noong April, 2021 sa pamamagitan ng isang vlog.

View this post on Instagram

A post shared by Jessy Mendiola- Manzano (@senorita_jessy)


Sa isang YouTube vlog parehong sinabi nina Luis at Jessy na ready na silang bumuo ng sariling pamilya at maging parents very soon.

“Given naman ‘yun. Siyempre hindi na naman na ako bumabata,” ani Luis at feeling daw niya mamamana niya ang pagiging mabuting ama ng tatay niyang si Edu Manzano pati na rin ng stepdad niyang si Sen. Ralph Recto.

“Oo, feeling ko siyempre kahit paano. Sinasabi naman talaga nila ‘di ba, you can teach someone about the world pero the best way to learn talaga is through actually observing someone, firsthand experience. 

“At nakita ko ‘yun kay Daddy, kay Tito Ralph, kung paano sila naging erpat sa akin. Kung si Tito Ralph, paano naging erpat kay Ryan (kapatid niya sa ina). 

“‘Yun ‘yung kumbaga bumuo sa pagkatao ko sa darating na point ng buhay ko ng pagiging isang ama. I learned and observed from the best,” sey ng TV host.

Sabi naman ni Jessy, matagal nang ready na magkaanak si Luis dahil kahit noong hindi pa sila kasal ay palagi nang nababanggit sa kanya ng asawa na talagang pinapangarap na nitong maging daddy.

Sey naman ni Luis, “Ako siguro, alam ko nang mababaliw ako kapag naging daddy na ako. Pero kung may mas mababaliw, ‘yan ang mommy ko. Dyusko, sigurado, spoiled na spoiled ‘yung baby natin.”

Sabi naman ni Jessy sa isa pa nilang vlog ni Luis, “I am ready to get pregnant. Better din na nasa late 20s na rin ako, kesa nasa 30s na ako. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Parang feeling ko mas mabilis akong magba-bounce back. And gusto rin talaga namin ni Luis na siguro mga two to three ‘yung children namin,” sey pa ni Jessy.

Jessy nakiusap sa haters: Sana ‘wag nating i-crucify ang isang tao dahil lang mali yung sinabi niya

Jessy ayaw nang makipaghalikan sa serye at pelikula, pinagbawalan ba ni Luis?

Luis hindi pipiliting magbuntis si Jessy kung ayaw: Sobrang nirerespeto ko ang mga babae

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending