Vilma, Aga, Nadine wala sa MIFF sa US para sa 'Uninvited'

Vilma, Aga, Nadine hindi makakadalo sa MIFF sa US para sa ‘Uninvited’

Reggee Bonoan - February 25, 2025 - 09:21 AM

Vilma, Aga, Nadine hindi makakadalo sa MIFF sa US para sa 'Uninvited'

Vilma Santos, Aga Muhlach at Nadine Lustre

MARAMING nagtanong sa amin kung makakadalo si Ms. Vilma Santos o sinuman sa cast ng pelikulang “Uninvited” sa gaganaping Manila International Film Festival sa Los Angeles, California simula Marso 4 hanggang 7.

Abala na si Ms. Vilma sa paglilibot sa lalawigan ng Batangas para sa kanyang kandidatura bilang gobernadora kaya hindi na niya mahaharap pa ang pagpunta sa MIFF kung saan dadalo ang ilang cast ng mga pelikulang kasama sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2024.

Sa pagkakaalam din namin ay hindi makakadalo sina Aga Muhlach at Nadine Lustre sa MIFF dahil may kanya-kanya silang mga ganap at maging ang director ng pelikula na si Dan Villegas.

Baka Bet Mo: MIFF 2025 tuloy sa Marso matapos ma-postpone dahil sa California wildfires

Ang Mentorque producer ng “Uninvited” na si Bryan Diamante ay abala rin sa kanyang gawain sa Lipa City kung saan siya ang punong abala sa mga project ng “Talino at Puso” at kasama rin sa paglilibot ni Ms. Vilma.

Anyway, tsinek namin ang post ng kilalang PR at Events manager/ Writer/Editor/Publisher at www.HollywoodFLIP.com na si Oliver Carnay na naka-base sa Los Angeles. Dito nilatag na niya ang detalye ng gaganaping MIFF sa Marso.

Isa-isa rin naming tsinek na wala ang poster ng “Uninvited” kaya maliwanag na alam na ng bumubuo ng Manila International Film Festival na walang representative na dadalo para sa pelikula nina Ate Vi, Nadine at Aga.

At dahil walang dadalong representative ng “Uninvited” ay wala rin ito sa line-up na ipalalabas sa MIFF.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending