Luis Manzano kay Jessy Mendiola: You're still hotter than ever | Bandera

Luis Manzano kay Jessy Mendiola: You’re still hotter than ever

Therese Arceo |November 26,2022
facebook
share this

Luis Manzano kay Jessy Mendiola: You’re still hotter than ever

Therese Arceo - November 26, 2022 - 03:14 PM

Luis Manzano kay Jessy Mendiola: You're still hotter than ever

TALAGA namang ang aktres na si Jessy Mendiola lang pinakamagandang babae sa paningin ng TV host-vlogger na si Luis Manzano.

Sa latest vlog kasi ni Jessy ay napag-usapan nilang mag-asawa ang patungkol sa kanilang pagpapamilya, pagbubuntis, at pagiging soon-to-be parents.

Dito ay natanong nga ng aktres si Luis kung nakikita pa rin siya nitong “sexy and attractive” sa kabila ng kanyang pagbubuntis.

“Real talk tayo siyempre nagkaroon ng changes talaga sa body ko and obviously, dalawa na kami. Malapit na akong mag-nine months, nabago ba ang tingin mo sa akin?” tanong niya.

Diretsahang sagot naman ni Luis, “No. Not at all. You’re still hotter than ever.”

“Kasi siyempre, minsan may mga days na feeling ko hindi ko na kamukha yung sarili ko. Minsan magigising ako sa umaga na ang manas manas ko ganyan,” sey ni Jessy.

“Seryoso, you’re still hotter than ever. At kung saka-sakali mang manganak ka na, you lose weight, magkaroon ka na ng konting stretch marks, you would still be hotter than ever. It was as if the first day na naka-date kita,” sinserong sabi ni Luis.

Aminado si Jessy na pakiramdam niya ay hindi na siya ang kanyang sarili.

“Kumbaga dati may abs ako tapos naka-swim suit pa ako lagi. May mga bikini pictures pa ako but of course when it comes to pregnancy, kailangan mo lang talagang tanggapin na may magbabago sa katawan mo and it’s not going to be the same anymore,” lahad ni Jessy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jessy Mendiola – Manzano (@jessymendiola)

“Sa mga expectant mommies tulad ko and sa mga nagbabalak na magbuntis, hindi madali sa simula na tanggapin na magbabago katawan mo. Mas lalo na kung you’re very active before the pregnancy… but as months go by, pag nakikita mo na lumalaki na ang tiyan mo, it’s all worth it kasi you’re carrying a human inside you,” dagdag pa ni Jessy.

Advice naman ni Luis sa mga kalalakihan na malapit nang maging ama tulad niya, “Congratulations na magiging tatay ka na but never forget that you are a husband first and foremost. You are a partner first and foremost. At kung saka-sakali man ang iyong anak ay lumaki na at mangibang bansa or anything, ang maiiwan dyan kayong dalawa. Never forget that at the end of the day na you will always fall back to being a husband and being a partner.”

 

Related Chika:
Hirit ni Billy Crawford kay Luis Manzano: Magbago ka na may anak ka nang parating!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Luis Manzano naisipan na ring mag-retire sa showbiz: Kung alam n’yo lang kung gaano rin kadumi ang industriya…

Promise ni Luis kay Jessy: Sa mga araw na pareho tayong hindi kamahal-mahal, I will choose to love you

Jessy nakiusap sa haters: Sana ‘wag nating i-crucify ang isang tao dahil lang mali yung sinabi niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending