Luis Manzano naisipan na ring mag-retire sa showbiz: Kung alam n'yo lang kung gaano rin kadumi ang industriya... | Bandera

Luis Manzano naisipan na ring mag-retire sa showbiz: Kung alam n’yo lang kung gaano rin kadumi ang industriya…

Ervin Santiago |July 20,2022
facebook
share this

Luis Manzano naisipan na ring mag-retire sa showbiz: Kung alam n’yo lang kung gaano rin kadumi ang industriya…

Ervin Santiago - July 20, 2022 - 01:40 PM

Francine Diaz at Luis Manzano

DUMATING din ang TV host-actor na si Luis Manzano sa puntong gusto na niyang iwan ang mundo ng showbiz.

Inamin ng mister ni Jessy Mendiola na naisip niyang huminto na rin sa pag-aartista nang dahil sa ilang kanegahan na nakakaapekto sa entertainment industry.

Naglabas ng saloobin si Luis tungkol dito sa latest vlog ng Kapamilya young actress na si Francine Diaz sa kanyang YouTube channel.

Titled “GGG with Luis Manzano + Lie Detector Challenge”, game na game na sumabak ang award-winning TV host sa lie-detector challenge at sinagot ang mga tanong ni Francine.

At isa nga sa questions na ibinato kay Luis ay kung naisip na ba niyang mag-retire sa showbiz. Mabilis na sagot ng komedyante, “Oo.” Pero kabaliktaran nito ang naging resulta sa lie-detector device.

Depensa naman ni Luis, “Pero totoo. Yung ibang mga tao talaga hindi alam kung paano ang industriya.

“Ang nakikita nila most of the time ay yung glitz and glamour na lang, yung finished product na masarap maging artista, maganda ang income.

“Pero kung alam niyo lang kung gaano rin…I mean, hindi na ako magloloko, matanda na ako, kung gaano rin kadumi ang industriya, kung paano talaga. People will never understand, akala nila madali tayong pag-usapan,” paliwanag ni Luis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)


Ibinuking ng asawa ni Jessy na may mga kakilala siyamg taga-showniz na pinagtatawanan ang kapwa nila artista kapag nasasangkot sa mga kontrobersya at iskandalo.

Kaya naisip niya kung ganu’n din ang ginagawa sa kanya ng mga kasamahan sa showbiz kapag nasusuong siya sa hot and trending issues.

“People have no idea na ang daling sumakay sa issue. Ayun yung hindi maintindihan ng ibang tao, masarap gawin, enjoy, masarap mag-chikahan at lahat-lahat with other people.

“Siguro kung hindi ka malakas both (sa isip at puso) makakakain ka nang hindi oras. Kapag mga ganyan na bumubuhos na ang mga negativities, mapapaisip ka rin talaga na, ‘Bakit ba hindi na lang ako mamuhay nang tahimik, nang normal?'” pahayag pa ni Luis.

Pero sa kabila ng lahat ng ito, nagpapasalamat pa rin siya na nabigyan siya ng pagkakataon na maging bahagi ng showbiz at nakapagbibigay saya at aliw sa madlang pipol.

At yan daw ang rason kung bakit mas pinipili pa rin niya ang manatili sa entertainment business at makapagbigay ng saya at inspirasyon sa bawat Filipino saan man sa mundo.

“At the same time, you realize na iyong ibinigay sa atin na blessing ay hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon.

“Na ngumiti ka lang sa camera, you take one picture kunwari nasa mall ka, may magpa-picture sa ‘yo, yung 10 seconds na ibibigay mo sa kanila kung ano man yung problema niya sa araw na yun, makakalimutan niya nang dahil sa iyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya para sa akin, ayun din naman yung nagpapabalik din naman sa akin pag naiisip ko na ayoko na, rest muna ako,” lahad ni Luis.

Luis Manzano sa intrigang parte raw ng LGBTQ community: Natatawa na lang ako

Luis ka-join sana sa 1986 movie na ‘Ninja Kids’: Ako dapat ang bida roon, pero…

Bea may naisip na konsepto para sa proyekto nila ni Marian; ‘better partner’ na raw siya ngayon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending