Vilma, Luis, Ryan matapang na sinagot ang political dynasty issue

Vilma, Luis, Ryan matapang na sinagot ang isyu ng political dynasty

Ervin Santiago - February 16, 2025 - 06:00 AM

Vilma, Luis, Ryan matapang na sinagot ang isyu ng political dynasty

Bryan Diamante, Jessy Mendiola, Luis Manzano, Vilma Santos at Ryan Christian Recto

DUMEPENSA ang mag-iinang Vilma Santos Recto, Luis Manzano at Ryan Christian Recto sa isyu ng political dynasty sa Pilipinas.

Tumatakbong governor ng Batangas si Ate Vi ngayong midterm elections, habang vice governor si Luis at kumakandidato namang kongresista sa 6th district ng naturang probinsya si Ryan Christian.

Si Luis ay anak ni Vilma sa veteran actor at host na si Edu Manzano habang si Ryan ay anak niya sa dating senador at ngayo’y Finance Secretary na si Ralph Recto.

Maganda ang naging paliwanag ng award-winning actress at public servant at ng dalawa niyang anak nang mapag-usapan ang tungkol sa pagtakbo nila nang sabay-sabay sa May, 2025 elections.

“With all honesty, we don’t want to entertain that. We are here to serve, and people will judge us,” ang pahayag ni Ate Vi sa opening ng BARAKO Festival 2025 na ginanap sa Lipa, Batangas.

Baka Bet Mo: KCC binuhay ang ancient Korean paintings, pasabog ang digital art exhibit

Unang nahalal si Ate Vi bilang mayor ng Lipa noong 1998 at nagsilbi hanggang 2007. Taong 2007 hanggang 2016 ay naging gobernador naman siya ng Batangas.

Kasunod nito, naging congresswoman naman siya ng 6th District ng probinsya na tumagal hanggang 2022.

Ayon kay Luis, naniniwala siya na napakaraming nagawa ni Ate Vi bilang public servant at sa pagsabak na rin niya ngayon sa politika, baon-baon niya ang lahat ng natutunan niya mula sa kanyang nanay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bryan Dy (@mentorque)


“From mayor of Lipa nakita naman natin kung paano siya naging gobernador ng Batangas. Naging part din siya ng Congress. In fact, naging Lingkod Bayan awardee rin siya. One of the highest awards na pwedeng makuha ng public servant,” proud na sabi ni Lucky.

Tungkol naman sa isyu ng political dynasty, “We submitted ourselves to the electoral process. Basta ang hangad namin ay yung paglilingkod namin sa bawa’t Batangueno. Kung saan papunta ang mga pangarap namin sa paglilingkod, kung saan gusto naming ilagay ang puso namin, nakasalalay sa botante yun.”

Para naman kay Ryan, “I think my brother said it perfectly naman. We are here to serve the people, and the choice will always be theirs.”

Nauna rito, inamin ni Luis na apat na endorsements na niya ang nag-pull out dahil sa pagtakbo niyang vice-governor, “Marami na sa endorsements ko ang hindi na nag renew.

“Isa yun sa mga usapan namin ni Gov Vi. ‘Anak, alam ko ang industriya. The moment na mag-announce ka, maniwala ka or hindi, lahat ng endorsements mo mawawala.’

“Katunayan tatlo or apat na sa endorsements ko ang nag pull out na. Sabi ko naman naiintindihan ko naman yun.

“Sabi ni Gov. Vi, anak, mabawasan ka man ng commercial, mabawasan ka man ng endorsements, mas masarap tulog mo, dahil mas marami kang matutulungan na tao,” ani Luis.

Samantala, pinasalamatan ni Ate Vi ang organizing team sa matagumpay na BARAKO Fest 2025, sa pamumuno ng Mentorque producer na si John Bryan Diamante.

Ang 3-day event ay co-presented ng Construction Workers Solidarity (CWS) Talino at Puso, at 107 Angkas Sangga party-list.

Sey ni Ate Vi, “Teamwork, that is the magic word. Teamwork. Kahit anong galing mo, Bryan, pag hindi ka nasamahan ng iba na magagaling din, hindi tayo magiging matagumpay.

“And I think that is the magic word, teamwork. We will continue to work as a team, and we will continue to work as a family here in the province of Batangas.

“Barako Fest, this is our third year. We’re very proud of this Barako Fest, kasi ito ho ngayon ang inilalatag namin dito sa Lipa kasama na po ang iba’t ibang bayan ng ating lalawigan.

“Marami ho kaming puwedeng ipagmalaki sa Barako Fest. Lahat po ng mga kaya naming ipagmalaki sa Batangas ay lalabas at lalabas habang naggo-grow, habang tumatagal pa ang aming Barako Fest.

“Ngayon po ay naka-focus tayo ngayon dito sa Lipa. There’ll come a time, iiikot na natin ito sa buong lalawigan ng Batangas…

“Ang Barako Fest po ay pinag-isipan para ito ho ay mabigyan ng pagkakataon iyong masasabi nating micro and at the same time, iyon talagang pinakamalaki na po nating mga entrepreneurs.

“With the present situation natin ngayon, ang isang pinakaimportante, may hanapbuhay. Tama po ba? Hanapbuhay ang number one sa atin ngayon.

“At ang isang ibinibigay ngayon ng ating Barako Fest, bukod sa binibigyan pa ho ng kaligayahan ang atin pong mga Batangueño, yung foodfest natin ay nandito,” sey pa ni Ate Vi.

In fairness, marami ring pakulo ang event, tulad ng “Angkeys To Win” kung saan limang motorsiklo lahat ang i ipinamigay bukod pa sa brand new car na napanalunan sa “Last To Take Hands Off Challenge.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pak na pak din ang kanilang “Barako Game: Battle for P1Million” na inspired ng hit Netflix series na “Squid Game.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending