‘Nobody’ nina Jessy at Gerald sa ABS-CBN madi-delay dahil kay Luis

Gerald Anderson, Luis Manzano, Jessy Mendiola at Peanut
MATINDING hirap at sakripisyo rin ang ginagawa ng Kapamilya star na si Jessy Mendiola para sa pagsabak ng asawang si Luis Manzano sa mundo ng politics.
In fairness, talagang effort kung effort din ang aktres sa pangangampanya ng kanyang mister na tumatakbong vice-governor ng Batangas para sa May, 2025 elections.
Sa panayam ng ilang members ng entertainment press kay Jessy sa katatapos lang na BARAKO Festival 2025 na ginanap sa Lipa City, Batangas, sinabi niya na suportado niya 100% ang pagtakbo ni Luis.
“Sabi ko kanina kahit paghati-hatiin ko pa katawan ko, lahat sila pupuntahan ko. Si Peanut (anak nila ni Luis, siya, siyempre yung trabaho ko. Lahat kaya kong gawin yan,” natatawang chika ni Jessy.
Baka Bet Mo: Luis Manzano, Jessy Mendiola plano na nga bang magka-baby no. 2?
Siniguro naman ng aktres na tuloy pa rin ang comeback project niya sa ABS-CBN, ang action-drama series na “Nobody” kung saan makakatambal niya si Gerald Anderson.
“Tuloy na tuloy pa rin. Na-delay lang nang kaunti kasi in fairness naman sa ABS-CBN family at sa Star Magic, pinagbigyan nila ako na samahan siya.
View this post on Instagram
“Sabi ko, ‘Kailangan ko po talaga siyang samahan umikot, so sana po pagbigyan niyo po.’ Talagang pinagbigyan nila ako and I’m very grateful,” sey ng celebrity mom.
Payo raw sa kanya ng mga bossing ng network, “Ang sabi po sa akin, basta stay strong, lagi mo lang siyang samahan at palakasin ang loob niya.”
Pagsasabayin na rin daw nila ni Luis ang pagse-celebrate ng Valentine’s Day at ng wedding anniversary nila sa February 21.
“Ako pa?! Meron! Wedding anniversary din po kasi namin sa 21, so doon na lang po namin gagawin ang date namin,” ani Jessy.
Samantala, natanong naman ang nanay ni Luis na si Vilma Santos sa naturang event kung magkakaroon pa siya ng panahon sa showbiz sakaling manalo siya uling governor ng Batangas sa darating na eleksyon.
“Mahal ko pa rin ang showbusiness. Nakagawa naman ako ng dalawa (projects), pero ngayon, nandito ako at gusto kong pagkatiwalaan ng mga Batangueño.
“Ipa-prioritize ko lang ito muna, sila muna ang priority. Kung papayagan ako, baka isang movie in three years. Yeah, why not? Kahit isa, ‘di ba? Kung papayagan naman nila ako, kahit isa,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.