Jessy Mendiola nag-react sa paggamit kay Rico Yan bilang content

Jessy Mendiola sa paggamit kay Rico Yan bilang content: Disrespectful!

Therese Arceo - July 11, 2024 - 07:06 AM

Jessy Mendiola sa paggamit kay Rico Yan bilang content: Disrespectful!

HINDI nagustuhan ng aktres na si Jessy Mendiola ang ginagawang paggamit ng ilang netizens sa yumaong aktor na si Rico Yan bilang content sa social media.

Kamakailan kasi ay nagte-trending sa social media ang video clips nang pagbisita ng ilang netizens sa puntod ng yumaong aktor sa Manila Memorial Park.

Talamak na nga talaga ang video kaya hindi na rin napigilan ng ilang netizens pati na rin ni Jessy ang magsalita at i-call out ang hindi magandang trend na ito.

Sa kanyang Instagram Story nitong Martes, July 9, ni-repost ng asawa ni Luis Manzano ang isang social media post tungkol sa trend sa social media tungkol sa “pag-alala” kay Rico Yan kung saan marami sa mga Pinoy ang dumadalaw sa puntod nito at tila ginawa na itong “tourist spot”.

Baka Bet Mo: Jessy Mendiola super saya, nakasama ang magulang papuntang altar

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Saad ni Jessy, hindi maganda ang nauusong trend dahil nagpapakita ito ng kawalan ng respeto sa yumaong aktor pati na rin sa pamilya nito.

“Wala na ba magawang matino ang mga social media addicts? Konting respeto naman sa namayapa na at pati na rin sa pamilya ng yumaong. Susme.

“Lahat nalang ba para sa likes, followers and views? Nakalimutan na yata ng mga tao ang salitang ‘respeto’. Wala nang decency,” diretsahan sabi ni Jessy.

Magpasahanggang ngayon ay sunud-sunod pa rin ang pagpo-post ng mga netizens ng larawan na kuha mula sa puntod ni Rico na tila ginagawa itong tourist spot.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang mahigit dalawang dekada nang patay si Rico.

Binawian ito ng buhay noong Good Friday, March 29, 2002 habang nagbabakasyon ito sa Dos Palmas Resort sa Palawan.

27 years old lang siya nang mangyari ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending