Jessy Mendiola super saya, nakasama ang magulang papuntang altar
SOBRANG saya ng aktres na si Jessy Mendiola na nakasama niya ang mga magulang sa kanyang paglalakad sa altar.
Matatandaang nitong February 15, ginanap ang second wedding nila ng asawang si Luis Manzano sa Coron, Palawan.
At sa kanyang Instagram page ay ibinandera na ni Jessy ang mga larawan nilang mag-asawa na kuha noong mismong ginanap ang kanilang kasal.
“And finally, the main reason why we got married again,” panimula ng aktres.
Pagbabahagi ni Jessy, isa sa mga pangako nila ni Luis sa isa’t isa na kapag tama na ang pagkakataon ay muli nilang idaraos ang kabilang pagpapakasal.
Ang dream wedding na tinutukoy ng ina ni Baby Peanut ay ang maikasal sila kasama ang kanilang mga magulang, kapamilya, at mga taong malapit sa kanila.
Baka Bet Mo: Luis Manzano sinorpresa si Jessy Mendiola bago ang Palawan wedding, nag-propose ulit
View this post on Instagram
“Our dream was to get the Lord’s blessing on our union and we wanted both our families present during that special moment,”pagbabahagi ni Jessy.
Kuwento pa niya, “It was also the first time Rosie met my whole family, from my parents down to her cousins.”
Chika ni Jessy, una raw ay ikinasal sila sa isang chapel na officiated by Father Tito Caluag pagkatapos ay nagkaroon sila ng beach wedding ceremony kasama ang mga malalapit sa kanila.
“Oh, what a wonderful feeling to be walked down the aisle by your parents,” masayang sabi ni Jessy.
Pagpapatuloy niya, “Seeing Rosie and Luis at the end of the aisle will be a memory embedded in my heart [and mind] forever.”
Laking pasasalamat ni Jessy sa Diyos na pinagkaloooban siya ng pagkakataon na maranasan ito.
“I never thought I’d be able to experience this. Thank you Lord God for making this happen.
“My heart is so so full. I will cherish this moment forever, wika ni Jessy.
Matatandaang unanv kinasal ang dalawa noong 2021 sa Batangas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.