Luis nag-propose ulit kay Jessy bago ang 2nd wedding

Luis sinorpresa si Jessy bago ang Palawan wedding, nag-propose ulit

Pauline del Rosario |February 25,2024
facebook
share this

Luis sinorpresa si Jessy bago ang Palawan wedding, nag-propose ulit

Pauline del Rosario - February 25, 2024 - 10:16 AM

Luis sinorpresa si Jessy bago ang Palawan wedding, nag-propose ulit

PHOTO: Screengrab from YouTube/Jessy Mendiola

MAKALIPAS ang mahigit isang linggo ng kanilang second wedding, ibinandera ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola ang prenup video nila.

Diyan ini-reveal na nagkaroon ulit ng wedding proposal si Luis para sa kanyang asawa.

Sa pamamagitan ng YouTube video na may pamagat na “LUIS & JESSIE and ROSIE”, mapapanood na nakatayo ang dalawa sa may dalampasigan nang biglang lumuhod ang TV host.

Sey ni Luis kay Jessy, “Because I never really got to propose to you, ‘di ba? That’s why…,”at diyan na nga inilabas ng aktor ang singsing at sabay tanong ng, “Wowow, will you marry me?”

Makikitang naging emosyonal ang aktres pero nakuha pa niyang magbiro, “No, charing!,” ngunit binawi niya agad ito at sinabing, “Of course!”

Baka Bet Mo: Jessy nakiusap sa haters: Sana ‘wag nating i-crucify ang isang tao dahil lang mali yung sinabi niya

Matapos ang matamis na “yes,” inihayag naman ni Luis ang kanyang pagmamahal sa misis.

Sambit niya, “Ilang years na tayo but tomorrow is a new day for us.”

“Thank you for considering me to spend the rest of your life with you. And I would do it over and over again with you,” mensahe pa niya sa aktres.

Kung matatandaan, unang na-engage ang celebrity couple noong 2020 makalipas ang apat na taong magkarelasyon.

Nagkaroon pa nga ng isyu noon sa engagement ring ni Jessy matapos magreklamo ang isang local jewelry maker dahil hindi raw sila binigyan ng credit sa suot na singsing ng celebrity mom.

Hindi man lang daw kasi na-mention ng couple ang “original creators” ng kanilang engagement ring na pinagpiyestahan noon sa social media at mga news and entertainment websites.

Ayon sa Radiant Jewelry, kailangan daw nilang ipaalam sa publiko ang katotohanan matapos nga nilang mabalitaan na ang binabanggit nina Jessy at Luis na gumawa ng singsing ay ang Manila Diamond Studio, kung saan endorser ang aktres.

Nagpaliwanag naman si Luis tungkol dito at sinabi na nanggaling sa Radiant Jewelry ang main stone, pero marami silang pinagawang add-ons at design sa Manila Diamond Studio.

Taong 2021 nang isinagawa ang civil wedding ng dalawa sa isang luxury resort sa Lipa, Batangas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makaraan ang isang taon ay biniyayaan sila ng napakagandang anak na si Rosie o mas kilala bilang si Baby Peanut.

Noong February 15 naman nang mangyari ang second wedding nila sa isang simbahan sa Coron, Palawan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending