Hiwalayang Bea-Dominic may konek sa prenup agreement?

Paghihiwalay daw nina Bea at Dominic may konek sa prenup agreement?

Ervin Santiago |February 04,2024
facebook
share this

Paghihiwalay daw nina Bea at Dominic may konek sa prenup agreement?

Ervin Santiago - February 04, 2024 - 11:32 AM

Paghihiwalay daw nina Bea at Dominic may konek sa prenup agreement?

Dominic Roque at Bea Alonzo

KALAT na kalat na ang chikang tinapos na umano ng engaged couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque ang kanilang relasyon.

Maraming ispekulasyon ang mga netizens tungkol sa umano’y breakup ng celebrity couple, kabilang na riyan ang issue about prenuptial agreement.

Nagsimula ang chika tungkol sa breakup nang maispatan ng mga Instagram followers ni Bea na hindi nito suot ang engagement ring na ibinigay ni Dominic sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa vlog ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz sinabi nitong may source siya nagsabing hiwalay nga sina Bea at Dom.

Baka Bet Mo: LJ Reyes pak na pak sa kanyang ‘glassy’ look para sa prenup: ‘Napaganda ang haggard na mommy!’

“Sabi ng isa kong source, wala na sila, hiwalay na sila. May nagsabi rin sa akin na ‘yung post ni Dominic na siya’y nag-iisa na tinatanaw ang dagat at hampas ng alon meron daw problema ‘yun.

“Sabi rin ng isa kong source, wala na sila! Hiwalay na sila! ‘Yung Japan (trip) nila huling post na nila ‘yun.

“Wala na, kaya inaabala na lang ni Bea ang kanyang sarili, bini-busy na lang ni Bea ang kanyang sarili,” pagbabahagi ni Papa O.

Tsinek namin ang litrato ni Dominic sa IG na tinutukoy ni Ogie kung saan makikita nga ang binata na nakaupo sa batuhan na malapit sa karagatan at nakatanaw sa malayo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ang nakapagtataka, naka-off ang comment section sa nasabing post ni Dominic kaya naman ang feeling ng netizens umiiwas talaga ang binata sa mga bashers at mga Marites dahil baka matanong siya about the alleged breakup.

Maraming nag-comment sa isyu ng hiwalayan ng engaged couple at may ilang nagsabi na baka raw may kinalaman ito sa usaping prenup agreement. Narito ang ilang reaksyon ng fans nina Bea at Dom.

Baka Bet Mo: Kim walang nagawang sablay para tsugihin sa ‘Showtime’; Andrea nagpaka-drag queen

“D kasi pumayag yan ng sa pinapa pirma ng kampo ni Bea.”

“Nag propose na sya. At nag yes yung girl. Akala ko ikakasal na. What happened?”

“Most likely it’s the prenup. Kaso dapat expected na ni D yan lalo na mas malaki ang net worth ni girl.”

“Break na Could it be related to ´pre-nuptial agreements’? Bka hindi ngkasundo. Some men gets offended to sign, especially if girl has more properties. Parang wala kcng ´trust’. Or related to Dom inviting Kath sa wedding?Bea said b4, selosa sya sa friends ni Dom. We don’t know. I wish them well.”

“Mahirap din pag di pa masyado malaki income compare sa girl. dapat ilang milyones ang pondo mo bago ka nag-propose sa girl.”

“Gulong ng palad ang buhay ay cge na bea para marami tayo single.”

“Maniniwala lng Ako kung c Dom at bea na ang magsasabi.”

“T.y May pagasa na ako .Which one both of them look beautiful and wonderful lol.”

“Maingat si Bea sa pagpili milyonarya na yan…maigi na siguro kung hndi pa natuloy ang kasal kaysa nmn mag hiwalay agad after wedding may rights na si lalaki sa yaman nya kapag ganun.”

“Cguro ayaw pa ni Bea baka importante nya .ang kmya career ganyan talaga ang Buhay Hindi perfect.”

“Nag hiwalay lang ang kathniel sunod sunod na hiwalayan.”

“Feel ko lng a si Gerald parin ang mahal nia.”

“Kung totoo, Bea should try to move on and mend her broken heart alone and not jump into another relationship. Rest her heart.”

“Kung  totoo man yan.. siguro sabi ni Daniel.. buti nga kasi di ako imbitado sa kasal nila! sana wag naman!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag nina Bea at Dominic hinggil sa tunay na estado ng kanilang relasyon, partikular na sa chika tungkol sa prenup agreement.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending