Bea Alonzo, Dominic Roque may tampuhan lang raw

Bea Alonzo, Dominic Roque may tampuhan, sey ng malapit sa kanila

Reggee Bonoan |February 03,2024
facebook
share this

Bea Alonzo, Dominic Roque may tampuhan, sey ng malapit sa kanila

Reggee Bonoan - February 03, 2024 - 12:56 PM

Bea Alonzo, Dominic Roque may tampuhan, sey ng close friend

“MAY tampuhan lang,” ito ang pagsisiguro ng taong malapit kina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Napansin kasi ng netizens na hindi na suot ni Bea ang engagement ring na bigay sa kanya ni Dom kaya’t kanya-kanyang hulaan na hindi na matutuloy ang kasal nila.

Ilang okasyong dinaluhan ng aktres na hindi niya suot ang singsing bukod pa na wala silang post na magkasama sa kani-kanilang social media account.

Nitong mga huling araw ay mga kaibigan at dating kasamahan sa Star Magic ang kasama ni Bea at si Dom naman ay may ibang mga kasama rin.

Base rin sa mga nabasa naming komento ng netizens ay namimi-miss nilang magkasama sina Bea at Dom at ang iba naman ay nagsabing ‘hiwalay na sila.’

Lalo na sa pinost na larawan ng binata na nakaupo siya sa dalampasigan at malayo ang tingin at higit sa lahat ay naka-off ang comments section kaya kaduda-duda talaga ang nagaganap kina Dominic at Bea.

Isa pang nagpalinaw sa mga Marites o mahilig sa tsismis ang isinagot raw ng aktres nang tanungin siya kung kailan ang kasal at kung ano ang plano.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo ‘di raw suot ang singsing, tuloy kaya ang kasal kay Dominic?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pero nagulat ang mga nakarinig sa sagot ng aktres na, “Wala pang plano. Parang dapat lalaki ang nagpaplano? Alam mo wala pa talaga, so I can’t tell you anything just yet.”

Nabanggit pa na maraming trabaho pa si Bea na kailangan niyang tapusin ngayong 2024 kaya nasabi niyang wala pang plano at marahil si Dominic ay gusto na talaga, pero dahil hindi pa handa ang fiancée niya kaya siguro nagtampo ang dating aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa programang Cristy Ferminute nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika na umere kahapon sa Radyo 5 92.3 TRUE FM ay ipinagtanggol ng una na hindi naman laging suot ni Bea ang engagement ring niya lalo na kung may taping. Sabi pang huwag pangunahan ang dalawa para iklaro ang isyu.

Opinyon pa ng CFM hosts, “Alam niyo po, iisa lang ang pananaw namin ni Romel Chika tungkol dito. Ang bawat ikinakasal po, may tinatawag na wedding jitters, meron pong wedding blues na tinatawag. Kasi napakatindi po nu’ng tensyon, yung paghahanda (sa kasal), di ba Romel?”

Bukas ang BANDERA kina Bea at Dom kung anon a ang update sa kanila dahil naga-alala ang supporters nila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending