Bea 'di suot ang singsing, tuloy kaya ang kasal kay Dominic?

Bea Alonzo ‘di raw suot ang singsing, tuloy kaya ang kasal kay Dominic?

Therese Arceo |February 02,2024
facebook
share this

Bea Alonzo ‘di raw suot ang singsing, tuloy kaya ang kasal kay Dominic?

Therese Arceo - February 02, 2024 - 06:08 PM

Bea Alonzo 'di raw suot ang singsing, tuloy kaya ang kasal kay Dominic?

USAP-USAPAN ngayon sa social media kung may pinagdaraanan ba ang soon-to-be married na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Ito ay matapos mapansin ng ilang netizen ang diumano’y hindi pagsusuot ng Kapuso actress ng kanyang engagement ring.

Mayroon ring nakapansin na tila hindi na rin nagpo-post sina Bea at Dominic ng kanilang mga pictures together.

Bukod pa rito, hindi rin present ang aktres sa ibinanderang larawan ni Dominic noong i-celebrate nila ang kaarawan ng kaniyang mommy.

Kaya naman kanya-kanyang hinuha ang mga netizens kung maayos pa ba ang pagsasama nina Bea at Dominic.

“Bakit kinakabahan ako they are not clicking likes to each others post anymore,” obserbasyon ng isang netizen.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo hindi selosa: Naloloko na nga ako, hindi ko pa alam

Comment naman ng isang netizen, “Bakit d n suot ang engagement ring.”

“I smell something. Dati palacomment si Bea sa mga post niya even likes react. Pero this past few days or weeks wala na. Same with bea’s IG. Sana ok lang kayo,” sey naman ng isa.

Matatandaang kamakailan lang nang ibahagi ng Kapuso star sa kanyang vlog ang kanilang maging travel sa Japan kung saan binisita nila anf Mount Moiwa na nasa Sapporo.

Sa katunayan, naglagay rin sina Bea at Dominic ng pangalan sa love padlock at ikinandado ito sa railing ng Bell of Happiness para sa long-lasting relationships.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, sinabi naman ni Bea na wala pa silang plano para sa kanilang kasal.

“Alam mo, wala pa talaga so I can’t tell you anything just yet,” sey ng aktres ng matanong ng press sa isang product launch.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending