Bea Alonzo hindi selosa: Naloloko na nga ako, hindi ko pa alam

Bea Alonzo hindi selosa: Naloloko na nga ako, hindi ko pa alam

Therese Arceo - January 18, 2024 - 10:01 AM

Bea Alonzo hindi selosa: Naloloko na nga ako, hindi ko pa alam

AMINADO ang Kapuso actress na si Bea Alonzo na hindi siya ang tipo ng girlfriend na selosa sa mga nakakasama ng dyowa.

Sa kanyang recent vlog na pinamagatang “A to Z Challenge with Ivana Alawi“, naitanong niya kung selosa ba ang Kapamilya actress bilang isang jowa.

Natatawang ibinalik ni Ivana ang tanong kay Bea at itinanong rito kung selosa nga ba siya.

“Hindi ako selosa. It turned to a fault na nga. Hindi ako selosa. ‘Yun ‘yung problema. Naloloka na nga ako, hindi ko pa alam.
,” kwelang pagbabahagi ng Kapuso star.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo proud na proud sa pagiging ‘consistent’ ni Dominic Roque

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Naloloko na nga ako hindi ko pa alam eh, kasi hindi ako nag-iimbestiga,” dagdag pa ni Bea.

Samantala, inamin rin ni Ivana na noong panahong mas bata pa siya ay sobra siyang selosa pero ngayon ay mas kalmado na siya sa pakikipagrelasyon.

Chika naman ni Bea, kung may bagay raw siyang pagseselosan sa kanyang fiancé na si Dominic Roque, ito ay ang paraan ng pagtrato nito sa kanyang mga kaibigan.

“Kasi si Dom, ang love language niya, servicing. Ma-quality time siya. Gusto ko ako lang ginaganu’n niya,” pagbabahagi ni Bea.

Kaya naman daw kapag ginagawa ito ni Dominic sa iba sy nagseselos siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“‘Pag ginagawa niya ‘yun sa iba niyang kaibigan, nagseselos ako,” sey ni Bea.

Matatandaang noong 2021 namg maging magdyowa sila ni Dominic at nitong July 2023 naman nang ma-engage ang dalawa.

Sa nagdaang interview ni Bea sa “Fast Talk with Boy Abunda”, sinabi nitong ang gusto niya lang ay small wedding.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending