Bea Alonzo proud sa pagiging ‘consistent’ ni Dominic Roque

Bea Alonzo proud na proud sa pagiging ‘consistent’ ni Dominic Roque

Pauline del Rosario |December 14,2023
facebook
share this

Bea Alonzo proud na proud sa pagiging ‘consistent’ ni Dominic Roque

Pauline del Rosario - December 14, 2023 - 04:50 PM

Bea Alonzo proud na proud sa pagiging ‘consistent’ ni Dominic Roque

PHOTO: Instagram/@beaalonzo

TODO kilig ang award-winning actress na si Bea Alonzo sa pa-surprise ng kanyang soon-to-be husband na si Dominic Roque.

Sa Instagram, ibinandera ni Bea ang picture ng naka-vase na mga pink roses from Dom at chinika nga niya na kinilig siya.

“Typical Dom consistently surprising me with random things,” caption niya sa IG post.

Kwento niya, “I saw this when I walked into his condo.”

“It’s always the little things that make my heart flutter [butterfly emoji],” pag-amin pa ng batikang aktres.

Baka Bet Mo: Bea hinding-hindi makakalimutan ang ginawa ni Dominic sa matandang babaeng nakasabay nila sa tren sa Europe

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Makikita sa comment section na marami ang napa-sana all at humanga sa pag-iibigan ng dalawa.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Kaya naggo-glow ka parati dahil alam mong nasa tama ang pagmamahal mo. Mas higit pa ang isinukli sayo eh [red heart emojis]”

“Sarap ma-inlove sa tamang tao, talaga. It’s the little things… [flowers emoji]”

“Loving his constant gestures. Keep it up @dominicroque forever yan ha. Rooting for you [emoji]”

“Wow so sweet talaga ni pupha Dom, sana all my fiancè na katulad niya @beaalonzo [red heart emoji]”

Kamakailan lang, inamin ng award-winning actress sa isang interview na mas excited sila ni Dom na magkaroon ng anak kaysa sa kanilang kasal.

Kung maaalala, ilang beses nang inihayag ni Dom ang kagustuhang magkaroon na sila ng anak ni Bea.

May naunang interview din si Bea kung saan sinabi niya na walong anak ang gusto ni Dom.

“Ang gusto talaga ni Dom walo pero sabi ko paano eh, 35 na ako,” sey ng aktres sa isang media conference.

Anyway, ang dasal ni Bea para sa kanilang pag-iisang dibdib ay mas maging matatag pa ang kanilang relasyon ng soon-to-be-husband.

“Sana manatili sa sentro namin si Lord to guide us and sana sa next chapter na papasukin namin, mas lumalim ‘yung pagkakaintindihan namin at pagmamahal sa isa’t-isa,” saad ni Bea sa panayam with  King of Talk Boy Abunda.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magugunita noong July 20 nang ibinandera ng aktres sa social media ang naging wedding proposal sa kanya ni Dom habang siya ay nasa taping sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Quezon City.

Taong 2021 naman nang kumpirmahin ng couple ang kanilang tunay na relasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending