Dominic inaming 'worth it' si Bea: I can see our future together | Bandera

Dominic inaming ‘worth it’ si Bea: I can see our future together

Therese Arceo |September 03,2021
facebook
share this

Dominic inaming ‘worth it’ si Bea: I can see our future together

Therese Arceo - September 03, 2021 - 01:36 PM

HINDI matanggal ang ngiti ni Dominic Roque sa kaniyang naging chikahan kasama ang mga kaibigang sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia.

Ayon sa mga ito ay matagal-tagal rin ng huli silang magkita kaya naman agad na nagkumustahan ang tatlo.

“Okay naman ako. Doing good actually sa work, sa life, and sa love,” sagot ni Doms.

Tila kinilig naman ang si Gabbi sa naging sagot ng kaibigan at sinabing masayang masaya ito para sa aktor. Chika pa ni Gabbi, napanood nila ang recent vlog nito kung saan nagbakasyon ito sa Amerika ng halos isang buwan kasama ang dyowang si Bea Alonzo na major trip nila na silang dalawa lang.

“Ito ‘yung first time na nakapag-travel ako with someone, with…” umpisang kwento ni Dom.

Tila hindi pa ito sanay na magkwento kaya inasar siya kaagad ni Gabbi.

“Bakit ayaw mong sabihin?” natatawang sabi ng aktres. “Parang alam naman yata ng lahat.”

“Maraming may alam pero ito ‘yung time na nakapag-out kami. Hindi mo na iniisip ‘yung mga galaw mo, sasabihin mo. You can be your self. Ang sarap sa feeling.

“Siguro kasi right moment. ‘Yun nga ‘yung lagi kong sinasabi sa lahat ng ginagawa ko sa buhay ko is ‘yung God’s perfect time. Siguro ito lang din ‘yung time na binigay sa amin para lumabas kami together. So very thankful na ginuide kami ni Lord sa journey namin together,” kuwento ng aktor.

Tanong naman ng dalawa kung pinag-usapan raw ba nila ni Bea na pagkarating sa US ay aamin na sila or may pressure ba para itago?

“Hindi naman talaga namin sinecret. Natuwa naman kami kasi naging maganda ‘yung ano [pagtanggap] sa amin,” sagot ng binata.

Saad pa ng aktor, very private kasi ito at hindi sanay na maging open book ang buhay sa lahat. Sa katunayan, close friends lang ang nakakaalam tungkol sa past relationships niya.

“Ngayon, mas ano ako, mas masaya. I can see our future together. Kasi nasa tamang edad na rin ako to be like this,” masayang saad pa ni Dom.

Isang malaking revelation na naging parte pala ang couple na si Gabbi at Khalil sa pag-uumpisa ng pagmamahalan nila ni Bea.

Nagkasama na raw ang apat sa Japan kung saan hanggang madaling araw ay magkakasama pa sila at noong sarado na ang mga bars sa Japan ay tumambay sila sa convinience store.

Biglaan pala ang pagpunta ni Dominic sa Japan na sumakto naman na nandoon ang dalawa.

Ang initial plan pala ay pupunta sila ng Zambales ngunit nang inimbitahan niya si Bea ay pupunta raw ito sa Japan. Niloko niya si Bea na sasama siya at the rest ay history na raw.

“Marami rin kasing tao ang hindi kung ano ‘yung pinagdaanan ko sa past relationship ko. Malaking blangko lang siya na inisip ng mga tao na wala akong karelasyon kasi wala naman talaga silang makikita. Walang lumabas. So hirap rin ‘yun. Ilang taon rin na ganon,” amin ng aktor.

Ngayon nga siguro ay panahon naman para isipin ni Dom ang pansariling kaligayahan at hayaan ang ibang tao sa sasabihin nila dahil hindi na rin siya bumabata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tinanong naman ni Gabbi kung worth it ba ang bagong lovelife.

“Sobrang worth it,” ngiting-ngiting sabi ni Dom.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending