Ivana Alawi chinika ang ideal dyowa: Ayoko ng poging-pogi

Ivana chinika ang ideal dyowa: Ayoko ng poging-pogi, sa ugali ako nai-in love

Pauline del Rosario |January 15,2024
facebook
share this

Ivana chinika ang ideal dyowa: Ayoko ng poging-pogi, sa ugali ako nai-in love

Pauline del Rosario - January 15, 2024 - 06:13 PM

Ivana chinika ang ideal dyowa: Ayoko ng poging-pogi, sa ugali ako nai-in love

PHOTO: Instagram/@ivanaalawi

MUKHANG na-hot seat ang actress-vlogger na si Ivana Alawi sa naging collaboration nila ng award-winning actress na si Bea Alonzo.

Isa-isa kasing inusisa ni Bea ang kasalukuyang love life at bagong dyowa ni Ivana.

‘Yan ay sa pamamagitan ng latest YouTube vlog ni Bea na “A to Z Challenge.”

Para sa mga hindi aware, ang nasabing challenge ay isang klase ng question and answer portion na kung saan ang mga katanungan ay naka-alphabetical order.

Tuwang-tuwa si Bea dahil bukod sa ito ang first vlog at first meeting nila ni Ivana ay unti-unti niya rin nakilala ang vlogger.

“This was my [first] time meeting her, and I’m happy na mas nakilala ko siya through this challenge,” caption niya sa video.

Baka Bet Mo: Ivana Alawi happy sa bagong dyowa: Feeling ko pwede nang mag-asawa! Char!

Anyway, simula pa lang ng kanilang chikahan ay nagkaroon na agad ng ilang rebelasyon ang “FPJ’s Batang Quiapo” leading lady kaugnay sa kanyang bagong love life.

Ito ay dahil sa letter C na ang tanong ay, “What COLOR best describes your lovelife right now?”

Naunang sumagot si Bea at sinabi niya na “bright red” ang kanyang buhay pag-ibig ngayon.

Ipinaling naman niya agad ito kay Ivana habang tumatawa, “Ikaw?”

Sagot ng vlogger, “Pink?”

Lalong humalakhak ang award-winning actress at sabay sabing, “Pa-red pa lang [sayo].”

Pagkatapos niyan ay bigla rin siyang tinanong ni Bea, “Are you dating anybody right now?”

Tumango naman agad si Ivana at nag follow-up question na si Bea sa kanya, “Namumula ka girl! Bago pa lang. Kilala ko ba ‘to?”

Sey naman ni Ivana, “Hindi siya artista. Ayoko ng artista.”

“Ano ba ang tipo mo sa lalaki?” sambit ni Bea.

Pagbubunyag ng vlogger, “Alam mo, ayoko ng poging poging pogi, pero gusto ko ‘yung ugali niya. Sa ugali ako na-iinlove.”

“Anong ugali ‘yung pinaka type mo?” tanong ulit ng aktres.

Sinagot pa rin ito ni Ivana at sinabing, “Gusto ko ‘yung honest tapos ‘yung caring sa family. Like, how he treats his family.”

Sa huli, nabanggit ng sexy vlogger na hindi pa niya napapakilala ang kanyang boyfriend sa kanyang pamilya.

Magugunita na nitong buwan lang din nang ibinandera ni Ivana ang masaya at makulay niyang kanyang lovelife ngayon.

Kung noon ang palagi lamang nababanggit ni Ivana ay nasa “dating” stage pa lang siya, ngayon ay maligayang-maligaya raw ang kanyang puso.

“My heart is happy. Ayaw ko namang sabihin na super happy kasi siyempre start pa lang so, happy,” ang pahayag ni Ivana sa panayam ng ABS-CBN.

Ipinaliwanag niya rin kung bakit non-showbiz ang gusto niyang makatuluyan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Selosa kasi ako. So hindi magwo-work kapag showbiz,” chika niya.

Dagdag pa niya, “Tsaka magulo. Gusto ko ng private relationship.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending